Patuloy ang paghingi ng panalangin ng pamilya Quizon para sa ikagagaling ng Hari ng Komedya na si Dolphy.
Sa pinakahuling panayam kay Eric, anak ni Dolphy, sinabi nitong naging maganda ng pag-responde ng katawan ng ama sa isinagawang dialysis dito kahapon.
Dahil aniya sa dialysis ay bahagyang umaayos ang kalagayan ng komedyante pero nanatili pa din ito sa kritikal na kondisyon.
"From last night up to now, his vitals are okay so talagang nakakatulong ('yung dialysis)," ani Eric sa panayam nito sa DZMM radio program na "Rated Korina" nitong Biyernes ng umaga.
Aniya, dahil sa dialysis ay natatanggal ang excess fluid sa katawan ng komedyante.
Maganda din aniya ang resulta ng pinakahuling blood test ni Dolphy. Nako-kontrol na din aniya ang internal bleeding ng ama.
"Good sign also na 'yung bleeding sa loob ay nako-control siya. So hinihintay namin 'yung blood results. So 'yung dialysis ay nakakatulong talaga."
Kahit pa nagawang mamulat ni Dolphy ang mga mata kahapon, hindi pa din nawawala ang kaba ng pamilya Quizon.
"Sa pamilya namin, 'yung makakita lang kami ng ganitong hope ay nakakahinga kami nang maluwag. Pero through the last five years ay nagkakaroon kami ng ganoong scare then biglang OK siya. It's been really a roller coaster ride to the family, biglang taas at biglang baba so ganoon lang siguro talaga," paliwanag ni Eric.
Sa ngayon aniya, patuloy pa din na panalangin ang hiling ng pamilya Quizon.
Ipinagpapasalamat din niya ang walang sawang pagmamahal at suporta ng mga Filipino para sa ama.
Matatandaan na nitong Huwebes ay sumasailalim sa dialysis ang aktor dahil sa panghihina ng kanyang kidneys.
Noong nakaraang Sabado isinugod ang aktor sa ospital dahil na din sa pneumonia.
Sa panayam din kay Eric, inamin niyang nakikipaglaban sa chronic obstructive pulmonary disease ang ama.

No comments:
Post a Comment