Saturday, June 9, 2012

Kris Aquino Magbabalik sa The Buzz

Magbabalik ang Queen of All Media na si Kris Aquino bilang host ng The Buzz ngayong linggo, June 10. Ayon kay Toni Gonzaga na co-host ng naturang showbiz-oriented talk show, siguradong mas magiging masaya at malaman ang mga ibabahagi nilang balita sa manonood dahil isa si Kris sa mga pioneer ng The Buzz.

“I’m happy na muli nating mapapanood si Ate Kris sa time slot na 4 pm sa The Buzz. Isa talaga siya sa institusyon ng The Buzz. The Buzz is not The Buzz without Ate Kris so isa yan sa mga nilu-look forward natin. Sana nga nandun ako para ma-experience ko rin ang pagbabalik ni Ate Kris sa The Buzz,” ani Toni sa panayam sa kanya noong Huwebes, June 7.

Nanghihinayang si Toni dahil nagkataong naka leave of absence naman siya for the next three weeks. Sana raw ay magpang-abot sila ni Kris pagbalik niya sa The Buzz. Panandalian lang kasing papalit si Kris kay Boy Abunda habang ito naman ay nakabakasyon. “I’ll be gone for three weeks. Actually, lagi sinasabi ni Ate Kris na sana magkatrabaho kami. Yun ang isa sa mga dasal ko na sana mabigyan kami ng opportunity na magkatrabaho. If not in a talk show maybe, then in a teleserye or a movie or whatever project it is, I’m looking forward to it.”

Matatandaang umalis ng The Buzz si Kris noong June 27, 2010 at saka pinalitan nina Toni at Charlene Gonzales bilang co-hosts ni Boy Abunda at KC  Concepcion noon. Ito ay dahil nais ni Kris na umiwas sa matitinding intriga bilang respeto sa pagkapanalo ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino bilang pinuno ng bansa.

No comments:

Post a Comment