Monday, June 25, 2012

Ruffa, iniyakan nang todo ang pambabastos ng Paparazzi! “Wala kayong kuwenta at wala kayong respeto!” Eddie, galit na galit sa trato ng ‘Paparazzi’ kay Ruffa!

Nangako ang ma­nagement ng TV5 na magkakaroon sila ng appropriate action sa insidente na nangyari sa Paparazzi noong Sabado, ang araw na nagbitiw si Ruffa Gutierrez bilang host ng programa dahil na-offend siya sa ibinulong ni Mr. Fu.
Kahapon ang birthday ni Ruffa at noong Sabado, ipinagdiwang niya sa Paparazzi ang kanyang kaarawan. Sa Bulong ng Palad ­segment ng Paparazzi, halata sa mukha ni Ruffa na hindi ito komportable sa ibinulong sa kanya ni Mr. Fu.

Nonetheless, pinairal ni Ruffa ang professionalism pero nang matapos ang show, nabulabog ang Twitter world sa kanyang sunud-sunod na mga tweet:

“Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin.
Wala kayong kwenta at wala kayong respeto. Binastos ako ng Paparazzi on my birthday.

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others. I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.”

***

Palaisipan sa lahat ang ibinulong ni Mr. Fu kay Ruffa na ikinagalit nito nang husto pero nasagot ang mga katanungan sa mga tweet ni Annabelle Rama.

Naintindihan ng mga tao ang nararamdaman ni Ruffa at ang pinanggagalingan ng galit nito nang ibulgar ni Annabelle ang mga tanong na ibinulong sa kanyang anak.

“Sino kina Aga, Zoren, Robin ang pinaka malaki ang tit*? Sino kina Zoren, Aga, Robin ang magaling sa kama?”

Nangako si Annabelle na hindi ito titigil hanggang hindi nila nalalaman ang tao na dapat managot sa mga bastos na tanong.

Iniyakan nang todo ni Ruffa ang pangyayari dahil ina­bangan at pinanood ng kanyang mga anak ang nabanggit na episode. ­Excited ang mga bata na makita ang reaksyon ng kanilang ina sa birthday card na ginawa nila.

Nalaman namin na masamang-masama rin ang loob ni ­Eddie Gutierrez nang malaman nito ang mga “bulong” kay ­Ruffa sa national television. Bihirang-bihira na magalit si Tito Eddie pero nasaktan siya sa naging trato sa kanyang anak sa ­sariling programa nito.

***

Kinumpirma ni Annabelle na ayaw nang bumalik ni Ruffa sa Paparazzi kahit marami ang nagsasabi na baka puwede pang maayos ang problema.

Marami ang nakikisimpatya kay Ruffa dahil bilang isang ina at babae, hindi tama na ilagay siya sa kahihiyan.

“Kakaloka. Sana maayos agad!” ang tweet ni Mr Fu. Hindi man detalyado ang kanyang tweet, ang malaking kaguluhan na nangyari noong Sabado ang tila tinutukoy ni Mr. Fu dahil siya ang nagbulong kay Ruffa ng tanong na ikina-upset ng aktres.

***

Ruffa’s Reaction Paparazzi Bulong ng Palad ang title ng video na nakalagay sa YouTube at ito ang pinanood ng mga tao na hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ang ­Paparazzi noong Sabado.

Marami nang hits ang YouTube ­video pero bigla itong naging unavailable kaya na-disappoint ang ibang hindi nakapanood at interesadong-interesado na malaman ang ugat ng sama ng loob ni Ruffa.

Pinag-aralan namin ang ­video at napansin namin na kahit upset sa mga tanong na ibinulong, naging graceful si Ruffa pero base sa body language niya, mapapansin na hindi siya na­tutuwa kahit nakangiti.
Ginamit din niya ang card na bigay ng kanyang anak para paypayan ang sarili.

Nang tanungin siya ni Mr. Fu ng “Sino ang may pinakamalaking...., nagsalita si Ruffa ng “Alam mo, you’re so gross. I’m not answering that. Wala akong alam diyan... Next question.”

“Sabihin mo na lang, si Robin, Fab (for fabulous) naman, eh” ang singit na sagot ni Mariel Rodriguez na ipinagdiinan na fab naman ang kanyang asawa kaya okey lang. Na sinagot ni ­Ruffa ng “Alam mo Mariel, I really wouldn’t know.”

No comments:

Post a Comment