Monday, June 4, 2012

So It’s You ni Xian Lim, Misteryoso

Kamakailan ay nai-release na ang debut album ni Xian Lim na may titulong So It’s You. Nanguna na kaagad ito sa mga charts sa nakaraang tatlong linggo.

“This a dream come true para sa akin,” bungad ni Xian. “I feel very happy. I feel really great because I wrote two of the songs here and siyempre ’di ba, this is something that you cherish ng buong lifetime? And this is something that you have to keep.”

Nagpapasalamat si Xian sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

“I am really honored na tinatanggap ng mga tao ang music ko especially the compositions and ’yun, maraming, maraming salamat sa kanila,” nakangiting pahayag ng binata.

Sino kaya ang “you” na tinutukoy ni Xian sa titulo ng kanyang kanta sa nasabing album?

“Dito sa buhay natin, mararamdaman natin sa puso natin na may makikita tayong taong iibigin at puwedeng mahalin, ’yun ang ‘So It’s You’ ko. Kapag nakita ko na ’yung iibigin ko at puwedeng mahalin,” paliwanag ng aktor.

No comments:

Post a Comment