Friday, July 27, 2012

Barbie Forteza at Kristoffer Martin nakikitang bagay din pag tambalin

Nakita sa Luna Blanca na bagay din si Barbie Forteza na ipareha kina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin at kung pang-comedy ang tambalan nila ni Derrick, pang-rom-com naman ang sa kanila ni Kristoffer.

Mga eksena palang ni Barbie with Derrick at Kristoffer ang napapanood, curious na ang viewers kung paano magku-krus ang landas nina Joaquin (Kristoffer) at Luna (Bea Binene) dahil sila ang love team sa pagtatapos ng Book 2 ng Luna Blanca.

Sa episode mamaya, dahil sa video na nagki-kiss sina Joaquin at Kate (Yassi Pressman), maiisip ni Blanca (Barbie) na malayo ang agwat nila ni Joaquin. Ipakikilala naman ni Anino si Luna kay Devolas at malalaman ng dalagita na ito ang tumutulong sa kanya.

No comments:

Post a Comment