Monday, July 16, 2012

Barbie Forteza Dinidescribe si Derrick Monasterio ang bagong Loveteam partner niya bilang isang gentleman

Matatawag na ring masuwerte ang tweens na sina Barbie Forteza at Bea Binene dahil hindi sila halos nababakante sa paggawa ng sunud-sunod na projects sa GMA-7 network.

Noong Huwebes, July 12, ay nakapag-taping na si Barbie para sa Luna Blanca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa press conference ng Luna Blanca sa 17th floor ng GMA Building noong Lunes, kunsaan ipapakita ang pagpasok nina Bea at Barbie bilang mga teenagers na sina Luna at Blanca.
IN PROGRESS. Kinamusta muna namin kay Barbie ang pagsabak niya sa Luna Blanca sa ikalawang yugto nito.

“Yung unang taping ko kasi, pinaka-pilot pa lang ng pangalawang yugto. Konti pa lang ako, mas marami pa rin sila Mona Louise Ray.

“Kahapon yung madugo talaga. As in, simula’t sapul, ako agad.”

Sabi pa ni Barbie, “Kung ikukumpara ko siya kay Katherine sa ILAM [Ikaw Lang Ang Mamahalin] dati, kahit paano si Katherine, malinis siya kasi katulong.

“E, si Blanca, nagsimula talaga siyang nangangalakal ng basura.

“As in kanto girl. Halos hindi nakapag-aral. Pero siyempre, may kaastigan pa rin ang character ni Blanca kay Luna.

“Kasi si Blanca, parang ngayon na lang naging maangas. Kasi, parang naniniwala kaming wala na si Luna.

“Parang ako na lang ang nagiging sandalan ni Nanay Rowena [Camille Prats]. Pero si Luna, simula’t sapul, matatag talaga siya.”

NEW LOVETEAM. Sila na ni Derrick Monasterio ang magkapareha sa Luna Blanca, hindi ba siya nailang na iba na ang ka-loveteam niya?

Nakangiting sabi ni Barbie, “Hindi naman ako nailang. Pero natatawa ako palagi.

“Kaming tatlo, ako, si Derrick, si Kristoffer [Martin], e, parang ang role rito ni Kristoffer, inglisero. Natatawa ko! Natatawa kami ni Derrick.

“'Tapos yun, masaya naman. Actually, yung location po, mabaho siya, pero mas gusto ko na yun sa Payatas na sinasabi nila.”

A GENTLEMAN. Unang pagkakataon na nagka-loveteam sila ni Derrick.

“Kahit nga po yata sa Tween Hearts, wala... Ngayon lang talaga.

“Nagulat lang ako sa kanya kasi, parang ngayon ko lang nakita yung matinong side niya.
 

No comments:

Post a Comment