Saturday, July 21, 2012

Coco Martin payag kahit walang talent fee ang pelikula

Kahit sobrang abala ni Coco Martin ngayon para sa teleseryeng Walang Hanggan ay nakagawa pa siya ng isang indie film, ang Sta. Nina. Enjoy na enjoy ang aktor sa lahat ng proyektong ginagawa niya nang sabay-sabay.

“Sarap ng feeling, kasi noong ginagawa ko ’yung movie namin ni Angeline Quinto na Born To Love You, ’tapos may Walang Hanggan. Isinisingit ko ito sa schedule ko para matapos. Never ko naramdaman ’yung pagod. Kapag passion mo kasi ginagawa mo dahil nag-e-enjoy ka,” bungad ni Coco.

Walang talent fee ang aktor para sa nasabing pelikula pero isa rin siya sa mga producer nito. Ayon kay Coco, gusto rin niyang makatulong sa mga baguhang artista na gumagawa ng indie film at nangangarap ding sumikat katulad niya.

“Alam ko ’yung hirap. Unang-una, walang budget kaya pakiusapan lahat. Ngayon gusto kong ibalik sa kanila, gusto kong tumulong lalo na sa artista na kasamahan ko. And then this time, ako naman kahit paano ’yung makakatulong,” giit pa ng aktor.

No comments:

Post a Comment