TRUE KAYA ang tsikang nakarating sa amin na hindi na pala matutuloy ang second movie nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.
Shelved na raw ang romantic movie kahit na nakapag-shoot na ng ilang araw ang dalawa.
So, what caused its cancelation? Well, si Mommy Divine daw ang dahilan. Apparently, ayaw na yata ni Mommy Divine na makasama ni Gerald ang kanyang anak on a regular basis. Afraid ba siya na tuluyan nang ma-develop ang anak niya sa hunky young actor?
At bakit naman parang si Mommy Divine ang nasusunod sa career ng kanyang anak? Bakit tila walang nagagawa ang mga producer kapag ayaw niya ang isang proyekto?
So, does this mean na si Mommy Divine ay powerful na rin sa showbiz, na she gets what she wants ang kanyang drama.
STAR MAGIC slammed its door on Claudine Barretto.
Kumakatok daw ang aktres pero hindi siya pinagbuksan. Siya raw ay nagpaparamdam pero tila ang mga tao ay nagbibingi-bingihan.
In short, the door is not open for Claudine anymore. Ayaw na sa kanya ng Star Magic. Why would they still entertain her when she left in a huff, without warning. The Star Magic people were surprised when Claudine left them more than two years ago.
Claudine was seemingly hurt that Star Magic bosses sided with Angelica Pa-nganiban during their rift. Nakadagdag pa rito ang hindi pagbibigay kaagad ng soap ng Dos sa kanya. And when they finally did give her a soap, kasama pa ang sister niyang si Gretchen Barretto na noo’y she hardly made her presence felt. Matapos kasi ang isang drama anthology ay almost cameo role na lang ang ibinigay sa kanya. At one point, ginawa pa siyang co-host ng Sunday talk show but that, too, didn’t last.
FEELING BA ni Aiza Seguerra ay naisahan siya ng staff ng Dos?
Nagulat kasi ang singer sa kanyang role sa bagong teleserye na pinagbibidahan nina Jodi Sta.Maria at Richard Yap.
She was told that she was to play Kute, ang kapatid ni Jodi sa soap. Siyempre umokay naman si Aiza. But later, she was told na magkakaanak ang kanyang character sa nasabing teleserye.
“Nagulat ako no’n kasi hindi ako na-inform that I will have a kid (in the series). Nu’ng naka-oo na ako ay saka sinabing, ‘May anak ka pala, ha?’. Siyempre nagulat ako dahil sa edad kong 28 ay may mother role na ako,” esplika ni Aiza habang tawa nang tawa naman ang press.
“Sabi ko, naggo-grow rin pala ako bilang artista,” she said in jest.
Alam naman nating gender challenged si Aiza but still she went on to say that playing the role is just okay with her.
“Siyempre noong una parang medyo weird ang dating. Akala ko ‘yung tipong nagda-duster ako. ‘Yun ang iniisip ko, eh, pero hindi naman pala.”
The night was full of surprises and another surprise came when Aiza admitted that she wants to have a kid.
“Why not? May matres naman ako,” sabi ni Aiza na sinalubong nang masigabong palakpakan.
When asked when she would want to have a baby, sinabi ng singer na she doesn’t believe in the concept of time frame.
“Sa totoo lang ay ako ‘yung tipo ng tao na hindi nagbibigay ng time frame. I don’t believe in planning things. Kumbaga, kung dumating, dumating. Feeling ko sa tamang panahon ay malalaman ko rin,” sabi ni Aiza.
No comments:
Post a Comment