Saturday, July 7, 2012

IZA, pang-Hollywood ang beauty sa magazine

Si Iza Calzado ang cover girl ng 5th anniversary issue ng Rogue Magazine ngayong July at timing na timing ang paglabas nito sa pagsisimula sa Lunes, July 9, ng Kahit Puso’y Masugatan, ng ABS-CBN.


Ang Kahit Puso’y Masugatan ang unang project ni Iza bilang Kapamilya star at ang simula ng mga pagbabago sa kanyang acting career.


Magandang-maganda si Iza sa kanyang Rogue pictorial kaya maikukumpara siya sa mga Hollywood actress. Sa interview sa kanya, sinabi ni Iza na sampung taon na ito sa entertainment industry, kasunod ang biro na parang fresh siya dahil bagong lipat (sa ABS-CBN).


Base sa AVP na ipinakita sa grand launch ng Kahit Puso’y Masugatan, bagay kay Iza ang challenging role na ipinagkatiwala sa kanya.


Magkapatid sina Iza at Andi Eigenmann sa bagong primetime show ng Kapamilya Network pero susubukin ng pag-ibig ang kanilang relasyon dahil sa pagmamahal nila sa iisang lalake (Rafael as played by Jake Cuenca).


Si Gabby Concepcion ang gumaganap bilang ama ni Jake na magkakaroon ng relasyon sa karakter ni Iza.

No comments:

Post a Comment