Sunday, July 1, 2012

kathryn and daniel may relasyon na!

Ayon kay Daniel Padilla ay marami ring teen actors ang huma­hanga kay Kathryn Bernardo ngayon. Wala naman siyang magagawa kung sakaling may makaagaw siya sa atensiyon ni Kathryn.
“Wala pa naman talaga kaming something pero ang mahirap dun ay kapag may nagkagustong iba sa kanya kasi malay mo magustuhan din niya.
“Wala naman po akong magagawa dun. Hindi naman po nila maiiwasan na magkagusto kay Kathryn pero lagot sila sa akin,” biro ng young actor.
Aminado rin ang binata na talagang gusto niya si Kathryn.
“Inamin ko rin po ’yun na mainitin ang ulo ko. Basta kapag nandiyan si Kathryn kunwari problemado ako, biglang ehem! Okay na ’yung mata ko, nakangiti na ako,” pagtatapat ng binata.
May mga nagsasabi na opisyal na silang magkarelasyon pero ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang mga puso ngayon?
“Hindi ko alam kung M.U. (mutual understanding) ang tawag doon, pero sana M.U. nga ang tawag doon. M.U., kumbaga, nagkakaintindihan kayong dalawa pero hindi kayo. Gusto ko magpasalamat kay Kathryn dahil isa siya sa inspirasyon ko at nandiyan siya bilang kaibigan para sa akin,” rason ni Daniel.
Xian nakiki-bonding na sa pamilya ni Kim sa Baclaran
Nagsimula nang mag-taping si Xian Lim para sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan ay katambal niya si Kim Chiu.
Kahit nagsimula na ang bagong proyekto ng aktor ay kinakailangan pa ring mag-workshop ni Xian para mas mapaganda pa ang pagganap sa kanyang karakter.
Samantala, marami ang nakakita sa dalawa na magkasama sa simbahan ng Baclaran kamakailan.
“Napag-usapan lang naming pupunta kaming Baclaran, kasama naman po ’yung ate niya eh. Talagang mas okay kapag family bonding ’di ba? Nagpapasalamat naman kami sa Diyos sa lahat ng nangyayari. Nagdadasal tayo palagi for what we don’t have, ako nagpapasalamat ako sa maraming blessings,” pagbabahagi ni Xian.
Malaki rin ang pasasalamat ng binata dahil dumating si Kim sa kanyang buhay.
“Lahat nang dumating sa buhay ko, lahat ng nangyari sa buhay ko. Lahat ’yung turning point, simula noong pumunta ako sa Star Magic. Sobrang saya ko,” dagdag pa ni Xian.
Marami rin ang kumukuwestiyon sa tunay na intensiyon niya kay Kim mula noong napabalitang nanliligaw siya sa dalaga. 
“Ang masasabi ko naman po sa kanila, mabuti naman akong tao. Wala naman akong ginagawang masama. Sana they take time na mas makilala pa nila ako ng mas mabuti,” sagot ni Xian.

No comments:

Post a Comment