Bukod sa magandang takbo ng istorya at magandang kumbinasyon ng bawat karakter, ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa sa sinasabing dahilan ng mataas na ratings ng Princess And I.
Patunay nito ay ang mga masugid na tagahanga ng tambalan ng dalawa na inaabangan ang bawat kaganapan sa kanilang samahan.
MUTUAL UNDERSTANDING? May balitang may “mutual understanding” o ,ag-M.U. na raw sina Kathryn at Daniel, pero itinatago lamang daw ang dalawa.
Ngunit mabilis itong pinabulaanan ni Kathryn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa dressing room ng ASAP 2012 noong July 1.
Pahayag ng young actress, “Siguro ang masasabi ko, ang pinaka-best friend ko ay si DJ [palayaw ni Daniel].
“Lahat sila close ko, pero sa mga guys na parating nandiyan at aalagaan ka, siya yun—so he’s a very special friend.”
Tuwing mai-interview si Daniel, wala itong bukambibig kundi papuri at ang espesyal na nararamdaman niya para kay Kathryn. Ikinagulat naman ito ng dalaga.
Saad ni Kathryn, “At first nagulat ako kasi hindi naman lahat ng guys ganun ka-vocal katulad ni DJ na kung ano ang nararamdaman, sasabihin sa interview kahit kanino.
“Nakakatuwa kasi nakikita mo kay DJ na hindi naman siya nambobola, nakikita naman natin na sincere siya.
“So ako naman, siyempre bilang babae, nakaka-flatter na may nag-a-admire sa iyo na lalaki at nakikita mo na tini-treat ka niya nang maayos.
"Respeto para sa akin yun.”
Ano ang reaksiyon ni Kathryn sa sinabi ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla na siya raw ang “rason ng saya at lungkot” ng anak?
“Siguro kasi si DJ, makikita mo kunwari mayroon kayong hindi pagkakaintindihan, makikita mo na hindi niya palalalain, gusto niya pag-usapan agad.
“Kahit kanino naman, kahit sa kaibigan,” sabi niya.
BABAERO ISSUE. Sa paratang na babaero o playboy ang mga Padilla, ipinaliwanag ni Daniel na tapos na ang stage na ito at loyal na sila ngayon sa babaeng minamahal nila.
Marami kasi ang nag-iisip na baka ang pagiging mukhang playboy at babaero ng young actor ang dahilan kung bakit ayaw pa itong sagutin ni Kathryn.
Paliwanag ni Kathryn, “At first yun ang impression ko sa kanila na ‘pag Padilla, playboy, maangas.
“Pero ‘pag nakilala mo sila, parang opposite kasi sila and very caring.
“Parang panlabas lang yung hard type, pero ‘pag nakilala mo, very mabait talaga sila. Mabuti kung ganun.
“Sabi nga ni Tito Rommel sa TV, parang ayaw nilang pagdaanan ni DJ yung napagdaanan nila.
"So, makikita mo sa kanya na hindi siya magiging playboy or tsikboy.”
CAREER FIRST. Ayon kay Kathryn, ang kanyang career ang priority niya ngayon lalo’t bata pa naman daw sila ni Daniel.
Hiling nga ng young actress ay ang patuloy na pagtaas ng ratings ng Princess And I at tanggapin siya ng publiko kahit ipareha pa siya sa iba.
“Kahit naman sinong nasa posisyon ko ngayon, ipa-priority ang career nila.
“Siyempre, nakakatuwa na may mga nag-a-admire sa iyong mga tao.
“Kung willing silang maghintay until the right time, dun natin makikita kung ano ang mangyayari.
“Ang goals ko ay ma-maintain ang ratings ng Princess And I, and sana, kahit na sinong ipareha sa akin ay suportahan ng tao—kahit kay Enrique [Gil], Khalil [Ramos], o iba pa.”
PRINCESS AND I. Ano ang masasabi ni Kathryn sa tumataas na ratings ng Princess And I?
“Masaya ‘tapos nung nalaman namin na nag-40 percent ang ratings namin, nagulat kami, kasi wala pa naman kami dun sa pinaka-climax ng story.
“So very happy kami kasi na-reach namin ang ganung kataas na ratings.
“Ginagawa namin ang lahat para abangan kami gabi-gabi at yakapin nila ang show
Mas napi-pressure ba siya ngayong pumapangalawa na silang may pinakamataas na ratings sa primetime—next to Walang Hanggan—base sa survey ng Kantar Media-TNS?
“Sa amin naman, hindi namin ginu-goal na gusto naming maging number one, kasi happy naman kami sa kung anong mayroon kami," sagot ni Kathryn.
No comments:
Post a Comment