Thursday, July 19, 2012

KC Concepcion first time magpa-blessing ng tirahan

Sa Biyernes ay mapapanood sa Kris TV ang pagpapatuloy at pagpapakita ni KC Concepcion ng kanyang bahay sa Taguig. Ayon kay KC ay mag-isa lang daw siyang nakatira sa kaniyang condominium unit na ito.

Makikita natin sa nasabing episode kung ano at paano si KC sa kanyang sariling tahanan. Kamakailan ay nagpa-housewarming ang dalaga na dinaluhan naman ng malalapit niyang kaibigan at kapamilya.

“First time ko magpa-blessing. Nag-invite ako ng close friends and family. Siyempre dahil condo, maliit lang ‘yung space, so limited ‘yung capacity ng tao. Nag-prepare ako ng carbonara, mini hamburgers, at namili ako ng favorite pica-pica ko sa Serendra. Dumating din ‘yung mom ko. She really had fun at the party,” kuwento ni KC.

Samantala, ngayon ay wala pa raw karelasyon ang dalaga pero ang gusto raw niya ngayon ay hindi na artista ang susunod niyang kasintahan. “Although madaming gwapo talaga sa showbiz. Nakaka-tempt minsan kasi ang daming gwapo. Gwapo na, mabait pa, talented pa, pero kung talagang iisipin ‘yung sa life ko, nagawa ko na ‘yung showbiz boyfriend. I was with someone na at the top, kumbaga one of the top talaga, tapos na ako dun, move on na ako,” paliwanag ni KC.

No comments:

Post a Comment