Saturday, July 21, 2012

KC Concepcion ready na ring ma-in love uli pero hindi na sa taga-showbiz

Aminado si KC Concepcion na mahilig nga siya sa bad boys at lately lang niya na-appreciate ang good guys. “I would go for bad boys talaga, before, mahilig ako sa bad boys. Ngayon, naa-appreciate ko na ‘yung mga good guys talaga. Kahit wholesome doesn’t mean na boring or passive na walang initiative,” sagot niya nang tanungin ni Kris Aquino sa kanyang programang Kris TV kahapon kung ready na ba siya uling­ ma-in love matapos ang kontrobersiyal na break up nila ni Piolo Pascual. “So yes, I’m excited to fall in love again. I’ve said it before and I’ll say it again.”

Kaya lang ‘di naman niya pinangalanan kung sinong mga bad boys ang nakarelasyon niya.

Anyway, dumating kasi pala sa point na parang na-trauma ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na ma in love as in parang takot siya dahil sa nangyari sa kanila ni Papa P. At pag naramdaman niyang iba ang intention sa kanya as in gusto ang manligaw, agad niyang kinokontra ang mga guys na nagiging kaibigan niya. Pero meron naman daw nagtiyaga sa kabila ng kanyang pagsasabi noon na hindi pa nga siya ready na ma-in love uli.

At nang tanungin ni Kris kung sino ito, hindi rin niya binunyag.

 “Hindi siya Pinoy. But he loves the Filipino culture. He has never been here.

“’Yung isa, half siya, pero mas friend ko siya ngayon. Tumira siya sa ibang bansa for a while.”

Si Sam Milby na kaya ‘yun? Pero itinanggi ni KC bilang ayaw na raw niyang makipag-relasyon sa taga-showbiz.

Anyway, ang gara ng condo ni KC. Ganda ng mga gamit at may mga explanation pa siya sa ilang part ng kanyang tinitirhan ngayon.

Sa kabila nang pagsasalita ni KC, nanatiling tahimik pa rin si Piolo sa kinahinatnan ng relasyon samantalang halos isang taon na ‘yun.

Samantala, kontrabida rin pala ang magiging role niya sa Against All Odds, ang ser­yeng pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos and Sam. Mas pinili niya ito kesa sa movie kasama sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

No comments:

Post a Comment