Wednesday, July 25, 2012

Marian Rivera Binahagi ang kanyang Tagumpay ng Pag aartista

Binahagi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang ilang bahagi ng kanyang tagumpay sa anim na taon niyang
pag-aartista. Ipinakita ng aktres sa unang pagkakataon ang mga investment nito dulot ng kanyang pagmamahal sa trabaho.

"Pinalaki kasi ako ng lola ko na kahit ibinibigay niya ang lahat sa akin, pinaunawa niya sa akin na ang buhay mabilis lang, [at]
kailangan magaling kang mag-isip, kailangan lahat ng pinaghihirapan mo ilalalgay mo sa bagay na hindi mo pagsisisihan," saad
ni Marian sa ulat ni Rhea Santos sa Tunay na Buhay nitong Hulyo 21.

Ayon sa ina ni Marian na si Amelia Rivera, apat na taon na ang nakalipas noong nai-pundar ng Kapuso primetime queen ang
kauna-unahang 12-unit apartment na nai-pundar nito.

Gayundin, naging masinop si Marian pagdating sa pera at patunay ang iba't-ibang mga investment niya mula sa kanyang mga
kini-kita at isa na rito ang kanyang nai-pundar na 4-unit apartment.

"Sa bawat kita, sa bawat soap na ginagawa ko, may goal ako," saad ni Marian.

Ayon pa sa kanya, pinaplano niya ang nais niyang investment sa bawat proyektong ginagawa. Ilan sa mga ibinahagi ng aktres
ay ang kanyang biniling van at lupa pagtapos ng kanyang matagumpay na soap na Marimar.

Kwento pa nito, "Tapos yang mga lupa na yan at van, meron na yang total kung magkano ang price niya, may mga gano'n na
ako, so kailangan bago matapos ang Marimar yung total ko, kailangan na-kita ko yun."

Gayundin, lubos naman ang pasaslamat ni Marian sa kanyang mga taga-hanga at pamilya sa kanilang patuloy na pagmamahal.

Dagdag pa nito, naging malaking parte sila sa tagumpay at estado ng buhay ngayon na nakamit ng aktres.

Samantala, wala namang mahihiling pa ang Primetime queen ngayon sa kanyang buhay.

Aniya, "Sa ngayon, masasabi ko wala. Kasi si Nanay [Lola ni Marian], ang gusto ko lang maging malakas siya. Maging mahaba
pa 'yong pagsasama naming dalawa. Si Mama [nanay ni Marian] maging masaya rin siya sa buhay niya [at] sa partner niya."

Bukod dito, binahagi ni Marian ang mga aral sa buhay na kanyang napulot.

Aniya, "Ang buhay kasi, eh, parang gulong. Umiikot talaga tayo at dahil sa pag-ikot na 'yan, marami kang pagdadaanan na
pagsubok."

Dagdag pa nito, "Pero basta ginusto mo, may nagmamahal sa'yo, nakukuha lahat sa dasal. Tatayo at tatayo ka, at sasabihin mo,
'Walang sino man ang pipigil sa akin basta gusto ko.

No comments:

Post a Comment