Pumanaw ang Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon sa edad na 83. Ayon sa medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center kung saan na-confine ang aktor sa loob ng tatlong linggo sinasabing multiple organ failure sanhi ng pulmonya at chronic obstructive disease ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.
Nito lamang madaling araw ng Miyerkules dinala sa Heritage Park sa Taguig ang labi ng aktor kung saan ito inayusan. Suot ang puting sapatos at white suit nakatakdang dalhin ang labi ng aktor sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN para sa huling pagpupugay ng mga nakasama niya sa Kapamilya network.
Sa report ng ABS-CBN News itinakda na ang public viewing sa labi ng aktor simula alas nuebe ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw sa Dolphy Theater. Mula naman Huwebes hanggang Sabado ay bukas sa publiko ang burol ni Dolphy mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Sinasabing nakatakdang ilibing ang batikang aktor sa Linggo (July 15) sa Heritage Park sa Taguig.
Hanggang sa pagyao ni Dolphy, malakas pa din ang usapin na ibigay na sa kanya ang National Artist award na matagal niyang hinintay.

No comments:
Post a Comment