Wednesday, July 25, 2012

Raymond Gutierrez Ipepresent ang segment na pang Celebrity Cross Over

“Celebrity-cross over” ang segment ni Raymond Gu­tierrez sa H.O.T. TV, to premiere on Aug. 5, sa GMA 7. Keri niya ang
segment dahil komportable siya sa masa at sa mga chi-chi crowd, kung saan mas marami siyang friends.

Ipi-present niya ang segment niya na hindi puro tsismis ang dating at kung paano niya magagawa ito, panoorin ang H.O.T. TV
sa pilot palang ng show.

 “When I was offered to be part of the show, sabi ko, the network is brave dahil iba ang concept. This is another first, ’di lang
showbiz ang scope, malawak siya. Personally, ninenerbiyos ako for the show dahil kakaiba pero magaling si Direk Rico
Gutierrez at magaling ang staff namin. Kaya namin ito. Excited na may halong kaba,” pag-amin ni Raymond.

Teleserye na lang ang hindi kaya ni Raymond da­hil sa mahabang oras na ipinaghihintay sa taping. Hin­di rin siya sure kung
tatanggapin ang offer ng GMA Films na mag-cameo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Coño Poblem.

Kinumpirma ni Raymond na siya ang newest Bench/FIX endorser at may isa pa siyang product endorsement from Unilever na
pampaguwapo. Nagbiro ito na kung alam lang niyang magiging endorser siya, dapat noon pa siya nagpapayat, pero mas

mayaman pa rin sa kanya ang twin brother niyang si Richard Gutierrez, tsika ni Raymond.

No comments:

Post a Comment