Tuesday, July 31, 2012

Richard tikom ang bibig sa nararamdaman kay Sarah

Pagsama-samahin man ang lahat ng leading men sa bakuran ng Kapuso Network, iisa lang ang aangat na nasa kanya na halos ang lahat — si Richard Gutierrez. May angking kaguwapuhan, tangkad, magandang katawan, appeal sa masa, dedikasyon sa trabaho, at talento.

Sa kanyang bagong telenovela sa GMA 7, mas umiigting ang excitement sa aktor dahil lumalabas ang ta­lent niya sa drama sa Makapiling Kang Muli.

Isa ring mahalagang artista ng Channel 7 si Ri­chard sa linya ng news and public affairs. Ilang beses na siyang nabigyan ng assignment sa mga environmental documentary at nabigyan pa ng award ng ilang international award-giving bodies. Dahil dito, tinagurian na siyang “environmental hero.”

Kasalukuyan namang ginagawa ngayon ng aktor ang Pinoy Adventures na napapasabak siya sa mga delikadong gawain. Dito rin nasusu­bok ang tatag niya sa mabibigat na aktibidades tulad ng pag-dive sa dagat o pag-akyat sa bundok na ang TV host-actor mismo ang gumagawa.

Bukod sa trabaho, hot item din ang binata pagdating sa kung sino ang idini-date nito. Sa ngayon ay ti­kom pa rin ang bibig ni Chard pero ma­lakas ang bulung-bulungan na ang kanyang leading lady sa Makapi­ling Kang Muli na si Sarah Lahbati ang kanyang inspirasyon.

Kung bakit, panoorin ang kanilang teleserye gabi-gabi at kayo na ang humusga sa kanilang kakaibang tinginan.

No comments:

Post a Comment