Tuesday, July 31, 2012

Rocco Nacino naghahanda na sa pagre-resume ng shooting ng Ilocano epic film na Lam-ang.

Naghahanda na ang young actor na si Rocco Nacino para sa pagre-resume ng shooting ng Ilocano epic film na Lam-ang.  
 
Ang tungkol dito ang una niyang nabanggit nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos siyang mag-guest sa farewell episode ng Showbiz Central kahapon, July 29
 
Kuwento ni Rocco, “Nakausap ko yung director namin [Ana Agabin] a few days ago. At sabi sa akin, maghanda na raw ulit. 
 
“Hopefully, last week of August daw ulit kami magsu-shoot. We’re just waiting for the weather to calm down lang.
 
“Kasi wala rin kaming magagawa kung ngayon kami pupunta sa Ilocos, lalo may mga eksena kaming kukunan sa bundok.
 
“So mini-maintain ko yung mahabang buhok. And then, I’m starting to get my body back na medyo fit. 
 
“Kasi nung sinabi sa akin na na-move yung shooting dates namin—na from July, last week of August na—nagpahinga muna ako sa pagda-diet.
 
“Tapos tuluy-tuloy na naman. May Bench fashion show, tapos may Cosmo Bachelor’s Bash. 
 
“So tuluy-tuloy na naman ang pagda-diet ko,” sabay ngiti ni Rocco.
 
Cosmo Bachelor Bash 
 
Speaking of Cosmo Bachelor Bash, meron daw siyang pinaplanong gawin na kakaiba sa nagawa niya noong una at ikalawa niyang pagrampa rito.
 
“Basta kakaiba,” sambit ni Rocco.
 
“Yung sa Cosmo Bash, it’s something that I enjoy doing for the past two years. Third year ko na bale. 
 
“And… basta may naisip na ako na gagawin ko.”
 
Mas maging daring kaya siya this time?
 
“Basta something new na hindi ko pa nagawa,” ngiti ng StarStruck alumnus.
 
Biro namin, hindi kaya magbahag siya sa muli niyang pagrampa rito?
 
“Puwede!” sabay tawa ni Rocco, na magba-bahag sa role niya bilang Lam-ang.
 
No to underwear…yet 
 
Sa Bench fashion show naman, mapapayag na kaya siyang rumampa na naka-underwear lang gaya ng ginagawa ng ibang hunk actors?
 
“Hindi!” tawa ulit niya. “Hindi ko pa kaya.
 
“Although sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na part of Bench Body, ‘Bakit hindi mo subukan?’ Kakaibang experience din daw iyon.
 
“Sabi ko… wala, e. Hindi pa talaga ako ready. Hindi pa ako prepared para ipakita ‘yong thighs ko.
 
“Sa Lam-ang nga, e, ang tagal kong pinag-isipan yung tungkol sa pagsusuot ng bahag bago ko na-accept na gagawin ko ‘yon.
 
“So, kapag sa Bench Body, iba rin siguro. Accepted naman ni Mr. Ben Chan na hanggang apparel lang muna ako—for now.”
 
Ano kaya ang magiging reaction ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili sakaling mapanood siyang rumarampa na naka-underwear lang?
 
“Ewan ko!” tawa na naman niya. 
 
“Siyempre, alam ko, sinusuportahan naman niya ako kung ano man ang desisyong gagawin ko sa showbiz. So, ‘yon.”
 
Kung si Sheena ba ay magpo-pose nang sexy sa isang men’s magazine, okoy din lang sa kanya?
 
“Ewan ko!” sabay tawa na naman ni Rocco. 
 
“Why not? If it’s gonna… help her, kapag gusto niya iyon. Siyempre hindi ako tututol. 
 
"Wala naman ako sa posisyon para pagbawalan siya sa kung ano mang trabahong darating para sa kanya. 
 
“Pero nasa kanya ‘yon kung gusto niyang gawin ‘yon.
 
“I heard may gan'ong offers na nga sa kanya. Pero hindi naman ako ang dapat na kinukonsulta o kinakausap niya tungkol dun kundi yung network [GMA 7]. At saka parents niya siguro.
 
“But handa akong makinig kung ano man yung concerns niya. Magbibigay ako ng opinion ko. 
 
“Pero sasabihin ko rin sa kanya… it’s still her decision. At kung ano man ang magiging desisyon niya, susuportahan ko.”
 
Closer
 
Nasa anong level na ang estado ng espesyal na pagtitinginan nila ni Sheena ngayon?
 
“Still the same and we’re happy naman. Happy with everything that is happening.
 
“We’re even closer. Yeah! 
 
“Ngayon na hindi ako masyadong busy, I get to spend more time with her. Nabawi ko na yung panahong hindi kami gaanong nagkikita.
 
“And I also spend time with her family. She spends time din with my family. 
 
“At I’m happy na mas close na kami ngayon,” sabi ng aktor.
 
Ibig sabihin ba ng “closer” ay malapit-lapit na sa formality or officially pagiging mag-on na nila?
 
“I don’t know. Time will tell!” natawang sabi ni Rocco.

No comments:

Post a Comment