Wednesday, August 1, 2012

Bianca pinatulan ang mga namimintas kay Dennis

Ano ba naman kayong mga fans, maganda na nga ang ipinamalas ni Dennis Trillo sa pelikulang Ang Katiwala na ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival ay binabastos n’yo pa rin siya sa Twitter. At huwag kayong tatanggi na pambabastos ‘yung ginagawa n’yo! Dahil pati si Bianca King ay ipinagtanggol siya. Dahil kung kay Dennis lang, hindi niya kayo papansinin.

What do you really want from him. Ginagawa naman niya ang trabaho niya. Sorry na lang kung hindi n’yo ‘yun appreciated pero sana give him a chance. Kung ang best niya ay hindi best sa inyo, quiet na lang sana kayo. O kung gusto n’yong mag-comment eh di gawin n’yo, huwag lamang ka­yong lalampas sa kagandang asal. Hindi kayo Diyos!

No comments:

Post a Comment