Thursday, August 16, 2012

Bryan Termulo says acting and dancing will bring him at par with the competition

Ikinokonsidera ngayong prince of teleserye theme songs ang singer na si Bryan Termulo dahil ang ilang kanta niya ay ginagamit sa mga current teleseryes ng ABS-CBN, kabilang na ang Dadalhin at Pagdating Ng Panahon para sa Walang Hanggan. “Maraming salamat po dahil bibihira lang po sa mga artista ang nabibigyan ng kataga. Thankful,” sambit niya.

Very vocal din sa pagsasabi si Bryan na simula nang lumipat siya sa Kapamilya network ay nabigyan siya ng break kaya naman malaki raw ang utang na loob niya sa ABS-CBN. Mainstay din ang singer sa ASAP at miyembro ng Boys Are Boys na kinabibilangan din nina JM de Guzman, Markki Stroem at Alex Castro.

Pinasok na rin ni Bryan ang acting at nakasama siya sa serye na Budoy. Sisimulan na rin niya ang taping para sa Against All Odds, kung saan ay bida sina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby. Ang role doon ni Bryan ay ka-love triangle nina Jessy Mendiola at Joseph Marco. Hindi rin daw importante sa kanya kung supporting role lang ang ibinigay sa kanya. Aniya, ang focus niya ngayon ay mapatunayan na deserving siya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya. 

Hindi rin lingid kay Bryan na matindi ang kumpetisyon sa mga stars ng ABS-CBN dahil marami ang mahuhusay, kaya naman para makasabay, sinabi niya na sinisikap niyang subukan ang lahat bukod sa pagkanta. “Siyempre lahat ng ABS-CBN stars magaling. I think you can stand out 'pag 'di ka lang pangkanta, pwede kang pang-sayaw at pang-acting so lahat ng mga talent na ‘yon ginagawa ko. I’m willing to go through a series of workshops from voice, to dancing to acting. Kina-career ko ang mga bagay na ‘yon para hindi ako mapag-iwanan kasi sa ABS-CBN maraming kumpetisyon. I’ll see to it sa mga workshops na ginagawa ko talaga ang 100 percent. Para di lang ako ang ma-satisfy, pati ‘yung fans ko at management na rin.”

Isa ring blessing para kay Bryan ang pagkaka-release ng kanyang second album, ang Hanggang Ngayon kung saan walong OPM songs ang laman ng nasabing album, kabilang na ang mga revivals na kanyang pinasikat.

1 comment:

  1. Thank you so much for featuring Mr. Bryan Termulo po. :)

    He's indeed loved by so many people because he's simply amazing.
    Two thumbs up! :)
    Love love love <3
    #SweetBryternatics

    ReplyDelete