Apat ang regular shows ni Jennylyn Mercado sa GMA-7—ang Hindi Ka Na Magh-iisa, Protégé, Party Pilipinas, at H.O.T. TV.
Balitang kasama pa siya sa uumpisahang epic serye ng Kapuso Network, ang Indio, na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla at tinatawag nitong "telemovie." Kasama rin dito sina Rhian Ramos at Maxene Magalona.
Sa estado ng career ni Jennylyn, masasabing siya na ang pinaka-abala at in-demand talent ng istasyon sa kasalukuyan.
Naungusan na niya ang tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera, na dati’y kaliwa’t kanan ang mga TV shows.
Nakapanayam ng Hot Pinoy Showbiz si Jennylyn sa dressing room ng H.O.T. TV nitong nakalipas na linggo.
Sinabi nitong wala siyang maisip na dahilan kung bakit binabagyo siya ng sangkaterbang trabaho, ngunit walang pasubaling ikinatutuwa niya ito.
“Siguro ano, e. Last year din ganito—mga second quarter.
“Last year, yung first quarter, Party Pilipinas lang at Showbiz Central lang ang ginagawa ko.
“So, mula Lunes hanggang Saturday, wala talaga. Literally, wala talaga akong ginagawa.
“So, ngayon, tuwing second quarter, napapansin ko na busy talaga ako.
“Parang feeling ko, yun talaga ang panahon na ibinibigay sa akin.”
GETTING HOT. Panahon na bang uminit muli ang career niya sa TV?
“Sana… sana po,” masaya niyang asam.
“Sana po talaga. Kasi ang gusto ko lang naman talaga, magtuluy-tuloy ang trabaho ko para sa future ng anak ko.
“Pero yun nga lang, ayaw ko rin namang mag-expect kasi baka kasi pansamantala lang.
“Kung ano lang yung ibinibigay sa akin, tinatanggap ko.
“Nagkakataon lang talaga na tuwing second quarter, parang sabay-sabay yung mga projects ko.”
LAY LOW. Dumating din dati kay Jennylyn ang panahong nasa limbo ang career niya sa GMA-7.
Pinag-isipan ba niyang iwanan ang Kapuso Network at lumipat na lang ng ibang istasyon?
Tugon niya, “Hindi naman. Wala namang ganoong time.
“Ako naman, patient naman ako. Meron pa rin naman ako kahit paano, hindi naman yung totally wala akong ginagawa.
“Work pa rin ng work.”
LUCKY NAME. Hindi kaya suwerte sa kanya ang kasintahang si Luis Manzano?
Mula kasi nang maging sila nito, doon napansing nagsidatingan ang maraming offers sa kanya.
“Baka!” mabilis na sagot ni Jen habang tumatawa. “Sana nga suwerte si Lucky!" Ito ang palayaw ni Luis.
Nasabi ba ni Luis sa kanya na dahil sa kanyang palayaw, nagiging masuwerte ang mga nagiging karelasyon niya?
“Hindi. Hindi pa. Baka sa mga susunod na araw, malalaman natin kung talagang Lucky nga siya,” sabay tawa uli ni Jen.
BIG DIFFERENCE. Walang dudang masaya si Jennylyn sa lovelife niya ngayon.
“Ang bait-bait,” ang sabi niya tungkol sa boyfriend.
Hindi itinatanggi ni Jen na malaki ang pagkakaiba ni Luis sa mga nauna niyang kasintahan.
“Opo,” amin niya.
Mga ilang porsiyento kaya?
“Basta! Ayaw ko nang magsabi kung ilang percent, basta mabait si Luis.”
Paano ba pinapasaya ni Luis si Jen?
“Kasi very understanding siya talaga. Yung humor niya, di ba? Kahit anong sabihin niya nakakatawa.”
Sweet ba siya? Generous?
“Oo—maalahanin, maalaga.”
FEELING IS MUTUAL. Sabi ni Luis dati, iba rin daw mag-alaga si Jennylyn.
Gaya ng pagbabantay niya kay Luis sa ospital noong ito’y magkasakit.
“Tinutumbasan ko rin lang naman yung pag-aalaga niya sa akin. Like, nagdadala siya ng pagkain.
“Pag may sakit ako or may karamdaman ako, dinadalhan niya ako ng pagkain.
“Parating nandiyan ‘yan—hindi siya nawawala.”
Sa mga katangian ni Luis, siya na ba ang nakikita ni Jennylyn na mapapangasawa at makakasama habang buhay?
Sagot agad ni Jen, “Siyempre naman. Ayaw ko namang mag-expect, pero si Luis talaga ang ideal man talaga.
“Kasi napakabait talaga.”
Ibig sabihin, kay Luis niya nakita ang mga katangiang hindi niya nakita sa mga nagdaan niyang pag-ibig?
Thank you, Lord!” bulalas ni Jen.
Gaano siya kasaya sa piling ni Luis?
“Masaya, masayang-masaya, contented.”
WEDDING BELLS? Gaano na ba sila katagal ni Luis?
“Sandali pa lang. Pero ang tagal nung proseso bago naging kami. Isang taon yung dating namin.
“Mahaba yung dating namin. Pero yung kami na, saglit pa lang.”
Gaano pa ba katagal bago kayo magpakasal ni Luis?
“Matagal pa yun. Hindi pa namin pinag-uusapan yun.”
Hindi lang si Batangas Governor Vilma Santos, ang ina ni Luis, ang nakilala at nakausap na ni Jennylyn.
Maging ang ama ni Luis, ang actor/host na si Edu Manzano, ay nakakausap rin niya.
“Pag pinupuntahan si Tito Edu ni Luis, kasi madalas siyang nagkakasakit, or kausap sa phone.
“Mga ganung bagay, kasi hindi rin sila halos nagkikita, e.”
May sarili kasing bahay si Luis, liban pa sa silang lahat ay mga busy sa kanilang careers.

No comments:
Post a Comment