Sunday, August 12, 2012

Julie Ann San Jose at Elmo Magalona Inabot ng Umaga sa dubbing room ng Sampaguita Studios

Inabot pala ng umaga sina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona sa dubbing room ng Sampaguita Studios dahil sa baha.

Nung Lunes ng gabi sila nag-dub para sa Just One Summer pero hinintay ni Elmo na matapos si Julie Ann kaya hindi muna ito umuwi.

Pero nung lumalakas na ang ulan at sinabihan na silang maraming bahang lugar na mahirap nang daanan, tumigil sila roon hanggang sa doon na lang sila natulog.

Sa loob ng dubbing room natulog si Julie Ann kasama ang Daddy niya at si Elmo naman nasa labas.

Nakantiyawan tuloy si Elmo na kaya inabot din ito ng baha dahil sa hinintay pang matapos si Julie Ann.

No comments:

Post a Comment