Friday, August 10, 2012

Mga nabiktima ng baha nabuhayan ng loob kay Marian Rivera

Kasali si Marian Rivera sa listahan ng mga celebrity na nagbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng baha.

Personal na pinuntahan ni Marian ang mga biktima ng baha noong Miyerkules at kahapon. Malaking bagay para sa flood victims na makita ang mga artista dahil nabubuhayan sila ng loob at pag-asa.

Hindi nawawala ang mga tao na bumabatikos sa mga artista na lantaran ang pagtulong. Sila ang mga tao na walang kuwenta dahil hindi na nga nakakatulong sa mga needy, sila pa ang nangunguna sa pamimintas sa mga nagmamagandang-loob sa kapwa. Huwag sanang dumating ang araw na sila naman ang mangangailangan ng tulong dahil nasalanta sila ng kalamidad.

No comments:

Post a Comment