Wednesday, August 1, 2012

Tween stars pinapaganda ang laban sa Kapamilya teens

Mukhang maganda ’yung ginagawang pagtatapat sa tween stars ng GMA 7 sa mga Kapamilya bagets. Parang mas mabilis ang pagsikat ng mga ito.

Kahit mas nauna na sina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil na bumandera sa primetime TV via Princess and I at kahit kabagu-bago pa lamang nina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio sa Luna Blanca, kumukuha na sila ng malaking audience share sa nasabing timeslot.

Soon, sali na rin sa labanan sina Barbie For­teza at Bea Binene as against Kathryn Bernardo.

Ang ganda ng labanan. Ito ang dapat suportahan ng fans.

Mga kapatid ng celebs ginawang pangtakam sa talent search

Ngayon, mas higit akong naniniwala na may pagkakapareho ang aking dating programang That’s Entertainment sa mga ginaganap nga­­­­yong reality searches ng iba’t ibang network, lalo na ang Artista Academy ng TV5. Marami kasi silang ipi­nasang mga kapatid o kamag-anak ng mga artista at celebs na sa aking pananaw ay makatutulong ng malaki para maging mas interesting ang programa.

I heard pumasa sa audition ang anak ni Alvin Patrimonio na si Angelo Patrimonio na dati nang nag-aartista sa ABS-CBN; si Alwin Abre­nica na kapatid ng Kapusong si Aljur; si Keno na kapatid ni Kean Cipriano at isa pa ring kapatid ni Polo Ravales.

Sa kanila pa lamang ay tutok na ang maraming manonood. Gaano pa kaya kung mas marami pa silang mga kamag-anak ng artista

No comments:

Post a Comment