Tuesday, September 18, 2012

Balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, naudlot na naman

Magre-react nito ang fans nina Kim Chiu at Ge­rald Anderson dahil sabi ni direk Joyce Bernal, ang next project niya after Of All The Things  nina Aga Muhlach at Regine Velasquez ay pelikulang pagtatambalan nina Kim at Xian Lim sa Star Cinema. Hindi pa alam ni direk Joyce ang title ng movie, basta malapit na siyang magsimulang mag-taping.

So, ano ‘yung nabalitang reunion movie nina Kim at Gerald na 24/7 In Love ang title? Hindi ba ito matutuloy, kinansela o wala talagang ganitong movie project? Naku, matagal nang naghihintay ang Kimerald fans ng project ng favorite love team nila, tapos kay Xian pala muna ipapareha si Kim.

Sabi pala ni direk Joyce, willing na willing pa rin siyang idirek sina Aga at Regine sa next movie nila kahit delayed ng three years ang Of All The Things dahil aktor at aktres ang dalawa at hindi lang basta mga artista. “Kapag umarte na sila, may makukuha kang maganda,” sabi ni direk Joyce.

Showing na sa September 26, ang pelikulang umaapaw sa chemistry nina Aga at Regine. Ito raw ang pinakamagandang pelikula ng dalawa, kaya manood na!

No comments:

Post a Comment