Tuesday, September 25, 2012

Enchong Dee, Maja, Xian at Kim paiibigin na ang sambayanan

Ngayong Oktubre na ipalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida ang pinakaaabangang de-ka­li­b­reng family drama na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Sal­­vador. Ang Ina Kapatid Anak ay isang mala­lim na kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, ka­pang­yarihan, tunggalian at pagtanggap. Bukod kina Kim, Xian, Enchong, at Maja, bahagi rin ng po­werhouse cast ng Ina Kapatid Anak ang highly-ac­claimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars na sina Ro­naldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin. Abangan ang nalalapit nang engrandeng pagbubukas ng kuwento ngayong Oktubre sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

No comments:

Post a Comment