Saturday, September 15, 2012

Gerald Anderson walang sinisi sa mga nangyari sa kanila ni Sarah

Napakabait naman nitong si Gerald Anderson. Hindi naging mapait para sa kanya ang pagkakahinto ng panliligaw niya kay Sarah Geronimo. Tinanggap na lamang nito na hindi sila itinadhana para sa isa’t isa ng singer. Masaya na siya na manatiling magkaibigan sila.

Ang maganda kay Gerald, wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanyang buhay. Hindi rin niya sinisisi ang ina ni Sarah sa paghihigpit nito sa kanyang anak kundi maging sa manliligaw nito tulad niya. Hindi lang talaga niya siguro kinaya ang demands nito.

Nora hindi na pumapatol

Nagkaedad na talaga si Nora Aunor. Hindi na nito pinapansin ang mga negatibong write-ups tungkol sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay nagagawa niyang pagbutihan ang mga trabaho na naiaatang sa kanya.

Kung sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang best ay naghahanap pa rin ang marami, wala na siyang magagawa dun. Maari lamang niyang ibigay ang meron siya. Huwag naman nilang asahan yung mga hindi niya kayang ibigay.

’Yung ‘pambabastos’ sa kanya ng isang modelo, pinaraan na lamang niya. Hindi naman niya kilala ito. At kung lumigaya ito sa ginawa niya, suwerte niya.

No comments:

Post a Comment