Sunday, September 23, 2012

Ibinenta na ni Angelica Panganiban ang car na gift ni Derek Ramsay

Pagod at bagot na raw si Derek Ramsay sa kasasagot sa mga tanong tungkol sa ex-girlfriend niya na si Angelica Panganiban. Mahigit na raw amin na buwan silang hiwalay pero patuloy pa rin silang inuugnay sa isa't isa.

"Ang tagal na naming naghiwalay ni Angel, and we both moved on. At noong naghiwalay kame, we're both okay. Maayos 'yung naging paghihiwalay namin. Hindi kami nag-away, we both agreed on that," pahayag ng aktor nang makausap namin over the phone.

Nagtataka si Derek kung bakit iniintriga pa rin siya especially nang lumabas ang picture ni Angelica kasama si John Lloyd Cruz. In fact, nagbigay na siya ng reaksyon sa photo collage sa Instagram ng aktres na  isinapubliko.

"I don't know if they are together but Angel looks happy. Let's be happy for her," sagot ni Derek sa isang follower niya sa Twitter.

Wala rin siyang reaksyon sa balitang ibinenta na ni Angelica ang Mini Cooper, ang kotseng iniregalo niya sa dating kasintahan. "Na kay Angel na 'yun kung ano ang gusto niyang gawin sa mga regalong ibinigay ko sa kanya," nasabi na lang niya. At gayundin naman daw siya sa mga ibinigay sa kanya nito noon.

Kasagsagan naman ng pagtatrabaho ni Derek sa London covering the 2012 Olympics for TV5 nang ini-link siya kay Ruffa Gutierrez dito sa Pilipinas. Umugong na ang balita rito sa atin na nag-date diumano sila ng aktres sa London.

"Ah, that's not true. Although, nagkita kami roon one time. But it was like few minutes lang 'yun. Tapos kanya-kanya na kami," kuwento sa amin ni Derek.

Wala raw naganap na date sa kanila ni Ruffa doon dahil di na sila nagkita pa ulit.

"The only time na nagkakilala kami ni Ruffa nang personal ay noong kasama kami pareho sa show ng TV5 sa US. That was the very first time na nakilala ko talaga siya. Prior to that, di kami magkakilala. And then, sandali lang kaming nagkita sa London, and That was it," sabi pa niya.

Hindi naman itinanggi ng aktor na may nakilala siya sa London at nakalabas din siya kahit paano. But when we asked him kung may babae ba siyang na-meet sa London na nagpasaya ng kanyang puso, ang makahulugang sagot niya, "Secret!"

Pero sa huling panayam sa kanya ng TV Patrol, inamin niya na na-meet niya sa London ang crush niya na member ng US women's basketball team na si Sue Bird.

"I was able to interview a crush of mine. Super! I was like speechless for about five seconds. I just called her name, 'Sue!" kuwento ni Derek.

Ang London Olympics ang ikatlong Olympics game kung saan naglaro si Sue bilang member ng US women's basketball team. She's 31 years old at na-link sa Backstreet Boys member na si Nick Carter. Pero itinanggi ito ni Sue sa isang interview sa ESPN. Iisa lang kasi ang agent nina Sue at Nick sa US.

"She was such a nice person; she just came up, and she walked up to me and I asked a few questions. We did not have a chance to have Olympic babies. We had a moment, five seconds, but no Olympic babies," sabi pa ni Derek.

Kung hanggang saan hahantong ang paghanga na ito ni Derek kay Sue.

No comments:

Post a Comment