Sunday, September 30, 2012

Jennylyn Mercado inaming tinawagan si Lian Paz

Nananatiling matatag umano ang relasyon nina Luis Manzano at Kapuso actress Jennylyn Mercado. Ito’y sakabila ng pagkakadawit ng pangalan ng aktres sa hiwalayan ng mag-asawang Paolo Contis at Lian Paz.

Sa artikulong isinulat ni Rey Pumaloy na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, sinabing sinagot ni Luis ang mga tanong tungkol sa kanila Jennylyn sa prescon ng pelikula nitong "This Guy’s In Love With You Mare."

Paliwanag ng aktor, kapwa nagulat sila ni Jen nang malaman ang balitang pagkakalabuan sila dahil sa pagkakadawit ng pangalan ng aktres na mistulang “third party" sa paghihiwalay nina Paolo at Lian.

Pero paglalarawan ni Luis, “blown out of proportion" lang ang intrigang nagkakalabuan na sila ni Jennylyn. (Basahin: Jennylyn Mercado, itinangging third party siya sa hiwalayang Paolo Contis-Lian Paz)

Maging si Paolo ay nagsalita na at sinabing walang kinalaman si Jen sa nangyari sa kanila ni Lian. (Basahin: Paolo Contis breaks silence about separation from Lian Paz)

Gayunman, inamin ni Luis na tinawagan niya si Lian pero tumanggi na ang aktor na ikwento ang kanilang pinag-usapan bilang respeto sa dating miyembro ng dance group na EB Babes ng Eat Bulaga.

“Huwag na nating idetalye dahil, siyempre, si Lian is going through something… especially may mga anak sila. So, huwag na nating i-elaborate," pahayag ng aktor sa naturang ulat.

No comments:

Post a Comment