Friday, September 7, 2012

Kathryn Bernardo sinabing kung willing maghintay at kung sincere kay Daneil

Sa third episode ng PEP Talk kasama ang isa sa mga hottest loveteams ngayon, ang KathNiel.

Sa unang bahagi ng panayam, nag-iwan ang isa sa mga hosts— ang associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Rommel Llanes— ng isang tanong.

Ano na nga ba ang status ng relationship ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Ang sagot ng binata, “Saktong panunuyo lang.

“Hindi naman effort na masyado pa kong nagmamadali na nanliligaw na…

“Talagang ngayon, friends lang po kami.

“Masaya po kami na magkaibigan.”

Rommel: Hanggang dun lang ba talaga muna?

Daniel: “Tignan po natin, pag legal na po tayo. Bawal pa po ngayon.”

Nag-follow up question ang managing editor ng YES! na si Anna Pingol ng tanong na,  “Kailangan 18?

Daniel: “Hindi, mga ano…mga 35,” biro ni Daniel.

Pagseseryoso nito, “Mga twenty-plus pa po yun.

Anna: Sinabi mo before, willing kang maghintay, di ba?

Daniel: “Opo.”
Anna: “E Kathryn, may hinihintay naman ba ang ating binata diyan?”

Kathryn: “Kung willing maghintay at kung sincere, bakit naman hindi, ‘di ba?”

Tuwang-tuwa si Daniel sa sagot na ito ni Kathryn at napasabing, “Yun, o! Puwede na ‘kong makauwi,” biro niya.

Anna: May tatanong ako, Daniel. May nagbulong sa ‘kin, e… Itago na lang natin sa pangalang Karla Estrada.

Daniel: “Anak ng tokwa naman, o,” pag-arte ni Daniel.

Anna: Pag daw nagte-text ka kay Kathryn…

Daniel: “Nakangiti po ako.”

Anna: Oo nga, nakangiti ka. Pero pag hindi agad sumagot… o matagal…

Daniel: “Umiinit po ulo ko. E, baka po may kausap na iba, e. Yun lang naman po yun.”

Anna: So, seloso ka?

Daniel: “Opo.”

Sa diretsong sagot na ito ay napasabi si Anna ng “patay,” na ang ibig sabihin ay lagot si Kathryn dahil seloso pala si Daniel.

Ngunit pagtutol ni Daniel, “Hindi naman po yun ‘patay.’

“Magandang bagay naman po yun. Mas maganda na yung nagseselos kaysa yung hindi nagseselos.”

Anna: Kung halimbawa isang araw paghiwalayin kayo ng loveteam, kasi syempre, ganun ang buhay artista, di ba? Kaya mo ba?
Daniel: “Kailangan ko pong intindihin yung mga pangyayaring ganyan.

“Siyempre, hindi ko naman po mapipigilan yung mga ganun.

“Siyempre mga boss na po ang may gusto nun.

“E, bahala na po ang Diyos kung anong gagawin niya sa ‘kin.”

Rommel: Pero, ano, brod, nate-threaten ka ba dun sa mga nanliligaw kay Kathryn?

 “Ako, mate-threaten?” pag-arte ni Daniel na mayabang ang pagkakasagot.

Rommel: Oo, nate-threaten ka ba sa kanila?

Daniel: “Aba, oo! Hahaha. Medyo po, medyo…siyempre,” ngunit pagbawi niya, “Hindi…relax lang.”

Demai: “Kanino ka nate-threaten?”

Daniel: “Wala po, hindi po ako nate-threaten.

“Relax lang po ako ngayon.

“Siyempre, na kay Kathryn na po yun kung anong desisyon niya.

“Basta, relax lang ako.”

Sabay tingin si Daniel kay Kathryn at bumulong na, “Alam mo na.”

Pag-iiba naman ni Rommel ng usapan, “Pero kasi, pag nakikita kitang…yung mga kilos mo, yung mga diskarte mo, ang naaalala talaga ng mga tao, yung tiyuhin mo e si Robin Padilla.
“So ano yun, nakakakuha ka bang tips… nagbibigay ba ng tips si Titot Robin sa ‘yo?”

Daniel: “Hindi po. Hindi po, normal na po sa ‘min yun.”

Rommel: Normal na sa mga Padilla?

Daniel: “Opo. Na…laging rerespetuhin po ang mga babaeng kagaya ni Kathryn.”

Pagbaling naman ni Anna kay Kathryn, “Parang nabasa ko before na parang…

Sumingit si Daniel na, “Alam ko po 'yang sasabihin niyo!”

Pagpapatuloy ni Anna,  “…yun yung apprehension mo, dahil Padilla. Hanggang ngayon ba, ganun, o may na-prove naman na siya?” tanong niya kay Kathryn.

Sagot ni Kathryn, “May nabago naman. Kasi hindi naman pala…yung first impression ko sa kanya, opposite naman po.”

Daniel: “Ayan a, may mga nakukuha kayo, PEPsters!” pagbaling ni Daniel sa camera.

Anna: Ano yung conclusion mo sa kanya?

Kathryn: “Ano, opposite, super. Sobrang mabait… hindi, totoo.

“Mabait… Tapos, uh, mabait! Paulit-ulit? Hahaha.

“Mabait siya tapos hindi naman siya playboy na, yung pag nakakakita ng babae parang…”

Anna: Marami pa ngang nali-link sa ‘yo, no? Siya, loyal.

Kathryn: “Kasi sa Princess and I lang naman yun, pero wala naman sa totoong buhay.
“So, yun. Mabait siya tsaka parang, super gagalangin niya pag may babae.

“Di ba, gusto namin ginagalang? So, makukuha mo yun kay DJ pag kasama mo.”

Tanong naman kay Kathryn ng isa pa section editor na si Demai Granali, “Pero si DJ ba talaga yung maco-consider mo na tipo mo ng lalaki?”

Daniel: “Patay na.”

Kathryn: “Uhm… Nung first hindi, kasi…ang yabang, playboy, tapos may mga kung anu-ano akong naririnig.

“Pero, nung nakilala mo siya… Andun naman yung mga qualities. Oo, andun po.”

Demai: Puwede ba naming malaman kung ano yung mga example nung mga qualities… yung mga good qualities na nahanap mo kay DJ?

Kathryn: “Kita niyo naman lahat, effort. Super ma-effort siya. Tapos…”

Anna: Paki-elaborate naman yung effort.

Kathryn: “Wow. May branches. Effort – Capital E! Hahaha.

“Effort…yun yung…hirap naman, putik. Yung magte-text ka.

“Di ba, ang mga babae, yung may magte-text sa kanya. Tapos, yung aalalayan ka…

Singit muli ni Daniel tungkol sa pagte-text niya kay Kathryn, “Wala pang ten seconds, may reply na.”

Kathryn: “Oo, may reply na.

“Tapos yung parating…hindi ka gugutumin. Tapos parating, nirerespeto din pati si Mama, pati lahat sa ‘min. At saka, hindi siya yung makikita mo na shumo-showbiz lang.
“Makikita mo yung sincerity naman sa kanya.”


PADILLA FAMILY. Nagawi naman ang usapan sa pamilyang Padilla.

Rommel: Daniel, dun sa isang interview mo, nakakatuwa dun na pinakita kung ga’no ka ka-close sa mga kapatid mo. Hindi lang kay mommy mo, kundi pati kay Daddy mo. So, kamusta naman? Anong ginagawa niyo para mapanitili yung pagiging close niyo sa isa’t-isa?

Daniel: “Kasi talagang… nung nakilala ko yung mga kuya ko, talagang nagulat ako kasi magkaka-ugali kami, e. Pare-pareho kami ng mga gusto.

“Tapos parang nakikita ko yung sarili ko sa kanila na, di ba, eto yung mga kuya ko.

“Parang natutuwa ka, siyempre, kasi iba yung… Kasi sa Mama ko, ako yung kuya e.

“Iba yung feeling na, biglang may kuya ka na naman. Ikaw naman yung bunso, di ba.

“Kasi sa bahay ni Papa, ako ang bunso. Kaya parang baliktad bigla.

“Pero, hassle maging bunso kasi binu-bully ako ng mga kuya ko sa bahay.”

Kathryn: “Pero ikaw sa bahay yung nambubully kay Maggie?”

Daniel: "Hindi ko binu-bully ang mga kapatid ko. Mahal ko po ang mga kapatid ko."

Natawa naman si Kathryn sa sagot na ito ni Daniel at mukhang hindi kumbinsido.

Ngunit giit ni Daniel, “Ay, alam niya 'yan. Alam niyang mahal ko ang mga kapatid ko.”

Pag-oobserba ni Anna, “Parang napapansin ko lang sa inyong dalawa na, he makes you laugh.”

Kathryn: “Opo. Kasi ano rin ako e mababaw na tao. Kahit ano gawin mo, matatawa naman ako.”
Daniel: “Parang sinabi mong corny naman ako.

Kathryn: “Hindi, nakakatawa naman, natutuwa rin naman sila."

Pagbaling niya kay Anna, “Nakakatuwa lang siya.”

Rommel: Nakikita namin na parang talagang swak na swak yung ugali niyo sa isa’t-isa. Pero, ano ba, naipakilala ka na ba ni Daniel sa ibang mga Padilla?

Kathryn: “Si Daddy niya lang po. Nung…sa’n yun…ASAP.”

Daniel:  “Opo. Nag-ASAP po kasi (siya] dahil sa Lorenzo [teleseryeng Lorenzo’s Time].

“Nandun po sila, pinakilala ko na po, kasi nandun din si Papa.”

Rommel: Pero Kath, kamusta naman… kamusta naman ang dating ni Daniel sa Mommy… kay Daddy?

Kathryn: "Ayan po siya… pa-interview si Mama. Hahaha."

Pagbaling muli ni Anna kay Daniel, “Dumadaan ka ba sa tradisyunal na panliligaw? Umaakyat ka sa bahay nila?”

Daniel: “Actually, may ladder na nga sa kuwarto,” pabirong sagot ni Daniel. “Wala, wala, wala… Ano lang po, wala pa po, e… Ano lang talaga, relax lang.”

Demai: Panong relax? Kaso ngayon lang yata kami nakarinig nung relax na panliligaw, pa'no ba yun?

Daniel: “Swabe lang.”

 “Sakto lang,” dagdag ni Kathryn.

Daniel: Hindi, ano… a. Siguro, yung….Kumbaga, sumusunod lang kami sa daloy ngayon.
“Kung ano lang nangyayari, sige lang, sige lang. ‘Wag lang…

“Hindi lang talaga kami yung dire-diretsong ligaw. Kung ano na lang mangyari in time.”

Demai: “Pero sa tinagal nitong friendship niyo, hindi ba nagkaroon ng moments na nag-aaway kayo or nagkaka-initan ng ulo?”

Daniel: “Minsan po dahil si Kathryn pag pinipigilan ko siyang kumain, yun po.”

Natawa lang si Kathryn sa sagot na iyon ni Daniel.

Daniel: “Nagagalit po siya.”

Rommel: May tipong LQ ba kayo?

Daniel: “Wala. Hindi po maganda yung nag-aaway.”

Anna: Tampuhan? Tipikal na tampuhan?

Rommel: Hindi ba kayo nagkakatampuhan, hindi ba kayo nagkaka-bad-trip-an?

Daniel: “Bakit naman po kami magtatampuhan?”

Rommel: Minsan siyempre, pagod si Kathryn, or pagod ka.

Daniel: “Pag pagod ako, okay lang ako, pag andiyan si Kathryn, malakas na malakas na ko.”

Kathryn: “Wag niyo lang gigisingin pag tulog.”

Daniel: “Yun lang. Yun yung medyo… alam na ni Kathryn yun, e.
“Pag natutulog ako sa taping…siyempre, pagod ka.

“Tapos pag ginising na, 'ikaw na,' Naku! Diablo ang magigising.

“Kasi ganun minsan, e… pag pagod ka, feeling mo nasa kuwarto ka…”

Rommel: Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

Daniel: “'Yan, tama.”

Anna: Kahit si Kathryn ang gigising sa ’yo?

Daniel: “Hindi, pag si Kath, nakangiti ako magising.

“Hindi puwedeng galit. Kasi babatukan ako niyan pa ganun, e. ‘Ano, galit ka?’ Ganun.”

Rommel: Alam mo, yung ganyang ugali mo uli, ano… Ang sabi nga ni…yung pinsan mo, si Kylie,  kung meron daw dapat nagdadala ng bandilang Padilla sa showbiz ngayon, ikaw daw yun, e.”

Daniel: “Sinabi niya po ba yun?”

Rommel: Oo, sinabi niya yun.

Daniel: “Uy, Kylie, salamat, a!”

Rommel: Kasi, sabi nga nila, yung pagsusuot mo ng leather, pati yung mannerisms mo, Padillang-Padilla.

Daniel: “Buti na lang po. Mahirap po pag ibang apelyido yung dala ko ngayon.

“Pero, normal na po, e.
“Minsan, hassle din pag iniisip mong ikaw yung may dala ng ganun ngang pangalan.

“Yung ‘Padilla’ dinadala ni Tito Robin at nagawa niya po nang ano…mabuti.

“Ako po medyo… kinakabahan pa rin po, e.”


UNLIKELY PAIR.


Anna: Kathryn, ano yung tingin mong nagustuhan ng mga tao sa inyong dalawa, sa loveteam niyo?

Kathryn: "Siguro, magkaiba po kasi kami, magkaibang-magkaiba, kung titignan niyo.

“Kasi, yung sa personality, pananamit.

“Basta, sa mga likes namin, parang wala naman kaming parehong like sa lahat nag bagay.

“Kung music 'yan o yung sa mga movies, iba talaga.

“So, siguro nakita nila na…o yun, mas maganda tignan.”

Daniel: “Pag magkasama kami, parang nagiging balance.”

Kathryn: “Oo. Balanced. At saka, may natututunan ako sa kanya, may natututunan siya sa ‘kin. So, parang, yun, importante din yun.”

Anna: Curious lang ako, a, ano yung pinaka-romantic na na nagawa niya for you?”

Kathryn: “Mag-iisip ako. Siguro nung ano…nung sa… yung sinasabi ko rin, yung sa GGV [Gandang Gabi, Vice] na, nag-surprise ano siya sa ‘kin, nag-surprise appearance siya sa guesting ko na hindi ko naman talaga alam.

“Tapos kumanta pa siya. Tapos parang… basta, marami ring natuwa, kasi, unexpected naman yung pagdating niya dun.

“Kasi alam ko may pinuntahan pa siya nun so nakakatuwa kasi, nag-effort siyang pumunta at pinayagan niya yung GGV.”
Rommel: Kathryn, kasi, alam naming, gusto niyo yung isa’t-isa.

Natawa ang dalawa.

Rommel: Hindi, ibig kong sabihin, gusto niyo yung isa’t-isa, swak na swak nga kayo sa isa’t-isa. Gustong-gusto niyo yung ugali ng isa’t-isa. Gusto niyo pati yung physical appearance. Pero, ikaw, aside from Daniel, meron ka pa bang nagugustuhan, or, para sa’yo handsome sa showbiz, aside from si Daniel?

Kathryn: “Ano, ever since, crush ko si Mr. Piolo Pascual. Wala nang tatalo sa kagwapuhan niya. So aminin na natin na…”

Rommel: “Mamili ka nga ng tatlo na crush mo?”

Daniel: “Teka lang, po-protesta ‘ko.”

Rommel: Easy ka lang, brod. [Pakinggan] na muna natin siya.

Kathryn: “Crush ko si, Harry Styles ng One Direction, si Channing Tatum, tsaka si Tom Cruise. Yun yung top 3.”

Pagbaling naman ni Rommel kay Daniel, “Ngayon, ikaw naman.

“May crush ka ba sa showbiz? Na, aside from Kathryn?”

Daniel: “International? Si…”

Rommel: Sa local muna?

Daniel: “Wala po ako... Si Kathryn lang po ang crush ko. Opo. Yun lang, okay na po ako.”

Rommel: “E, international? Para patas naman.”

Daniel: “Si Hilary Duff…

Kathryn: “Hannah Montana?”

Daniel: “Hindi. Hindi ko siya crush. Si Hayley Williams, tsaka… yun lang.

Anna: Sa interview mo kay Vice, parang inamin mo dun na medyo nakarami ka na ng girlfriend before.

Daniel: “Ay, hindi, wala po akong maalalang sinasabing ganyan.”

Anna: Meron! Naka-record yun!

Daniel: “Wala po akong sinabing, ‘Nakarami na ‘ko ng girlfriend, a.’

“Hindi, ano lang po yun, siyempre, dumadaan po yun pag teeanager ka, talagang…

“Ganun po yun e masabi lang na nagkaroon ka. Pero wala naman po…”

Anna:  O, kaya nga, ang next question ko is, ngayon mo lang ba naramdaman na parang tinamaan ka nang todo?”

Daniel: “Eto, pasensiya na kung corny ‘to at maiinis si Kathryn pero totoo po yung sinsabi niyo.”

Anna: Tinamaan ka nga.

Rommel: DJ, pano ba manligaw ang isang Daniel Padilla?

Ngunit iiwan muli namin ang tanong na ito para naman sa ihuling bahagi ng PEP TALK kasama pa rin ang KathNiel. Abangan!

No comments:

Post a Comment