Sunday, September 30, 2012

Marian Rivera, dinedma si Karylle sa harap ni Zsa Zsa Padilla!

KALAT NA ka-lat na ang balitang pandeded-ma daw ni Marian Rivera kay Karylle sa katatapos na Dolphy, Alay Tawa na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, kung saan isa si Marian sa naging guest.

Marami raw ang nakakita nang magbeso-beso si Marian kina Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon at nilagpasan nito si Karylle na kasama nina Zsa Zsa at Zia nang mga sandaling iyon. Mistulang nagbulag-bulagan daw si Marian at ‘di nakita si Karylle, na malabong mangyari dahil magkakasama nga ang mag-iina.

Umiral na naman daw ang kamalditahan ni Marian ng gabing iyon, kaya naman marami ang nag-isip na marahil kung hindi pa raw ito unang binati at niyakap ni Heart Evangelista, baka nakatanggap rin daw ito ng pandededma

JAMPACKED SA dami ng tao ang katatapos na mall show sa Star Mall Edsa-Shaw ng grupong Upgrade kasama ang magaling na rapper na si DJ Joph, Gina Damaso at Joven Moreno last Sept. 22. Hosted by Jana Chu Chu na hatid ng Ever Bilena, Hammerhead, Fragrances of the Stars, Renew Placenta at Aficionado Germany Perfume.

Kamuntik-mutikan nang magkaroon ng stampede sa Entertainment Plaza ng mall nang mag-perform ang grupo na kinabibilangan nina Rhem, Raymond, Armond, Ron, Miggy, KCee at Mark nang akmang aakyat ng stage ang mga fans ng unti-unti nang sumisikat na boy band.

Mabuti na lang at mabilis itong naawat  ng mga masisipag na security guard ng mall, dahil kung hindi ay baka hindi na natuloy ang pagtatanghal ng Upgrade at ng iba pang artists.

No comments:

Post a Comment