Saturday, September 22, 2012

Sarah Geronimo and Gerald Anderson sinabing free silang for dating others

Nagiging mainit ngayon ang usapan hinggil sa isyung tila tumatabang na yata ang dati’y very promising na pagkakaibigan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Recently ay may lumabas na blind item na sinasabing may kasama umanong ibang babae ang aktor. Hindi man pinangalanan ay itinuturong si Gerald ang nasabing aktor.

Sa magkahiwalay na interview inalam ng The Buzz kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa, na noong una pa nga ay sinasabing magkasintahan na pero itinatago umano. “Wala naman po kaming karapatan sa isat-isa (na magselos), wala naman po akong karapatan din na magselos kung halimbawang manligaw siya. Single siya, single din ako,” sagot ni Sarah sa tanong na diumano’y nakita si Gerald na may kasamang ibang babae.

Sa kabilang banda, ganito rin halos ang sagot ni Gerald. “Wala rin akong karapatang pigilan siya kung may gusto siyang i-date and vice versa,” makahulugang sagot ni Gerald. “Sa ngayon I am single, Sarah is single.”

Kahit noong premiere night ng pelikulang Born To Love You last week ay dumating ng magkahiwalay ang dalawa sa venue. Sa interview pagkatapos ng pelikula, inamin ni Sarah na nagulat daw siya dahil hindi raw niya alam na darating si Gerald.

Tinanong tuloy si Sarah kung kamusta na ba ang kanilang pagtitinginan na inasahan ng marami  na mauuwi sa tunay na pagmamahalan. “We are friends at totoo po ‘yan, totoo talaga ‘yan at walang halong showbiz na sagot. ‘Di po kami nagdi-deny ng kahit ano, okay po kaming magkaibigan,” sagot ng Pop Star Princess.

Panoorin ang full interview nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa The Buzz

No comments:

Post a Comment