Saturday, September 22, 2012

Sarah Geronimo mas bagay nga bah kay Gerald o John Lloyd

Mas maingay ngayon ang tambalang Sarah Geronimo at Gerald Anderson at patunay rito nang magtala ng higit pa sa 71 percent from text votes against the Sarah-John Lloyd Cruz tandem sa pagtatapos ng nasabing survey na isinagawa ng The Buzz last March 4.

Gayunpaman, aasahang muling lalakas ang tambalan nina Sarah at Lloydy dahil sisimulan na anytime ang shooting ng third installment ng kanilang naunang dalawang pelikula; ang A Very Special Love at You Changed My Life kung saan ginampanan at pinasikat nila ang karakter nina Migui Montenegro (John Lloyd) at Laida Magtalas (Sarah).

Sinabi ng dalawa sa ginawang story conference kamakailan na excited na sila sa kanilang muling pagtatrabaho at looking forward sila na muli nilang mapapasaya ang kanilang mga tagahanga.

Pagbabalik-tanaw nga ni Sarah naging komportable raw siya agad nang una silang nagkatrabaho ni John Lloyd dahil naramdaman niya rito ang willingness ng totoong pakikitungo. “Pakiramdam na family (si John Lloyd) at matagal na (kaming) magkakilala,��� paglalarawan ng Pop Star Princess.

In the meantime, ipinaliwanag naman ni Sarah ang pagtawag niya ng “babe” kay Gerald during a surprise visit sa kanya ng aktor sa isang segment ng show ni Sarah sa pilot episode nito ang Sarah G. Live. “Hindi ko alam kung bakit lumabas ‘yung babe, eh ‘yung sa kanta, may baby kasi do’n. Hindi ko rin alam na-adapt ko ‘yung term of endearment sa akin ni Ate Judai (Judy Ann Santos). Nagulat din ako ‘di ko rin alam. Magkaibigan naman kami.”

Pagpapatuloy pa ni Sarah gusto pa niyang magkakilala pa sila ni Gerald. “Gusto ko mag-blossom ang relationship namin, masyado pang maaga para pangunahan ang relationship namin.”

Panoorin ang full interview ni Sarah Geronimo sa The Buzz

No comments:

Post a Comment