Tuesday, September 25, 2012

Xian hindi natibag ng intriga

Napaka-sport naman nitong si Xian Lim. Ni minsan ay hindi pumatol sa mga pang-iintriga sa kanya. Kahit na ‘yung may kinalaman pa kay Kim Chiu.

Tama nga siya. Hindi nga naman nagpo-prosper ang mga kanegahan nila sa kanya. Hindi napuputol ang pagdating ng mga projects at maging ang friendship nila ni Kim ay hindi naaapektuhan. Can you just imagine kung agad-agad ay nag-react siya ng hindi maganda? Baka hindi umusad ang kanyang career at mapag-iiwanan siya ni Kim o baka nagkahiwalay pa sila. As it is, they’re still friends at may chance pang maging more than friends.

‘Yun ang maganda kay Xian, alam niya kung saan siya nakatayo. Hindi mo siya basta-basta maitutumba ng intriga o kontrobersiya. Focused siya!

Sana katulad niya ang maraming artista, hindi war freak.

No comments:

Post a Comment