Thursday, September 20, 2012

Xian Lim Nawawalan na nga ba ng Oras kay Kim Chiu

Kamakailan ay tumanggap ng gold record award si Xian Lim para sa kanyang debut album kaya lubos ang pasasalamat ng aktor para rito. Umaasa rin ang binata na patuloy na susuportahan ng kanyang mga tagahanga ang nasabing album.

“Siyempre hoping ako na mag-platinum pa siya. To be awarded is good, ibig sabihin naa-appreciate nila ’yung ginawa ko,” nakangiting pahayag ni Xian.

Samantala, malapit na ring mapanood ang pinakabagong teleserye ng binata na Ina, Kapatid, Anak. Makakasama ni Xian dito ang sinasabing espesyal ngayon sa puso ng aktor na si Kim Chiu. Ngayon ay hindi na masyadong nakalalabas ang dalawa dahil na rin sa rami ng kanya-kanyang mga proyekto.

“Ngayon wala kasing time. Hindi nagtutugma ’yung schedule pero if there is time, puwede naman,” pagtatapat ni Xian.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa ngayon? “Okay naman kami ni Kim, basta pakiramdam ko kay Kim special siyang tao all the time. Let people think what they want to think, ’yun lang ’yon.

Huwag nila sanang pangunahan. Kung ano ang nakikita nila, sila na bahala. Everyone is entitled to his own opinion,” paliwanag ng binata.

Hindi rin itatago o ililihim ni Xian kung sakaling magkarelasyon na nga sila ni Kim.

“Wala namang kailangang isikreto. If there is something to say, aaminin naman. Wala namang sikreto, ’di naman kailangang isikreto. Wala namang kailangang itago,” giit pa ng binata

No comments:

Post a Comment