Monday, October 22, 2012

Angelica nagduda sa pagka-babae nung wala pa si John Lloyd

May mga nagsasabing lumalalim na raw talaga ngayon ang pagti­tinginan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Sa pagdiriwang ng fourth anniversary ng Banana Split na kinabibilangan ni Angelica ay isang sorpresa ang ginawa ng aktor para sa dalaga sa kanilang taping.

Pinadalhan ni John Lloyd ang aktres ng mga bulaklak doon.

“Nakaka-perfect ng pagiging babae. Dati kasi duda ako kung babae talaga ako eh,” nakangiting pahayag ni Angelica. “Ngayon ah oo, babae nga ako. Ganun.”

Ngayon ay masayang-masaya ang dalaga sa takbo ng kanyang career at love life.

“Masaya, sobra, parang hindi na siya part ng mundo ’yung happiness mo. ’Yung iisipin mo na totoo pa ba ito, ’yung reyalidad pa ba ito? ’Yung happiness na meron ka, hindi ko inakala na maa-achieve ko ’yung ganitong klaseng happiness na meron ako,” paliwanag ng aktres.

Totoo kayang si John Lloyd ang nagpapasaya at nagsisilbing inspirasyon kay Angelca ngayon?

“Oo naman, oo naman. Malaking parte siya,” pagtatapat ng aktres.

No comments:

Post a Comment