Saturday, October 20, 2012

Carla Abellana, cover girl ng bagong lifestyle magazine na Traversing the Orient

Ayon sa ulat ni Kara David sa News To Go nitong Huwebes, mula sa Thailand ay pormal nang inilunsad kamakailan ang naturang magazine sa Pilipinas

Sa naturang event, kapansin-pansin ang ipinayat ni Carla sa kanyang long sleeve white dress na aniya'y resulta raw ng kanyang pag-eehersisyo kasama ang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Dumalo sa launching ang mga aktres na sina Aiko Melendrez, Pops Fernandez, Maricar de Mesa, at ang TV host na si Marc Nelson.

Ayon naman sa managing director ng naturang magazine, ilang porsiyento ng kikitain nila ay mapupunta sa feeding program sa iba't-ibang baranggay sa Maynila.

No comments:

Post a Comment