Saturday, October 20, 2012

Chemistry nina Marian Rivera at Richard umaapaw

Bagay na bagay na magkapareha sa Extra Challenge sina Marian Rivera at Richard Gutierrez dahil parehong palaban ang dalawa.

Lalong lumakas ang che­mistry nina Marian at Richard kaya hindi nagkamali ang GMA 7 na pagsamahin sila sa Extra Challenge.

Marami na ang nag-aa­bang sa pagsisimula ng Extra Challenge dahil na­ka­ka­intriga ang teaser na ma­dalas na ipinapakita ng Kapuso Network.

Confident ako na mataas ang rating ng pilot telecast ng Extra Challenge sa October 27.

Cielo… unang project ng GMA films sa tv

Project ng grupo ng GMA Films ang Cielo De Angelina, ang pang-umaga na teleserye ng Kapuso Network.

First time ng GMA Films team na mag-produce ng isang teleserye dahil puro pelikula ang kanilang mga nakaraan na project.

Panay ang lambing ni Joey Abacan ng GMA Films na suportahan ng entertainment press ang Cielo De Angelina. Personal ang pag-aasikaso ni Joey sa kanilang pet project na huhusgahan na sa darating na Lunes, October 22.

No comments:

Post a Comment