Tuesday, October 9, 2012

Jake Vargas at Bea Binene susubukan mapataob ang loveteam nila Jodi at Richard

Isasabong ng GMA sina Bea Binene at Jake Vargas na magbibida sa morning drama na Angelina del Cielo, kina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng Be Careful With My Heart ng ABS CBN.

Maingay ngayon ang tween actress kaya naman susubukan ng network kung kakayanin niyang pataubin ang tambalang Jodi at Richard!

Siyempre pa, mala­king hamon sa tambalan nina Bea at Jake ang tapatan ang programa ng Dos.

Hindi kasi maipagkakailang phenomenal ang tagumpay ng ABS-CBN soap sa morning slot.

Bilog naman ang mundo kaya malay natin, baka makasilat ang loveteam nina Bea at Jake, huh!

No comments:

Post a Comment