Tuesday, October 30, 2012

Jennylyn Mercado, natutuwa sa pakikitungo ni Luis sa anak na si Jazz

Para sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, ang anak na si Alex Jazz na siguro ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Kaya naman inamin niyang natutuwa siya sa pakikitungo ng nobyong si Luis Manzano kay Jazz, na anak ni Jennylyn sa aktor na si Patrick Garcia.

"Talagang love na love niya si Jazz at 'yung family ko, so nakakatuwa," sabi ni Jennylyn sa panayam niya sa programang "Follow That Star" ng GMA News TV.

"Tanggap niya kung sino talaga ako," dagdag niya.

    Napabalitang nagde-date ang dalawa noong nakaraang taon, at noong Nobyembre'y umamin ang dalawa na "formal" na ang relasyon nila.

Ikinuwento ni Jennylyn na madalas silang magbakasyon ni Luis, at nakakahawa raw ang positive attitude nito.

"Wala talagang dull moment kapag kasama mo siya," sabi niya.

Marami raw natututunan si Jennylyn mula kay Luis sa kanilang pagbabakasyon. Ang actor-host nga raw mismo ang nag-engganyo sa kanya na matutong mag-dive.

"Si Luis, in-enroll niya ako sa dive master niya na magkaroon ng license," sabi niya. "Gift niya 'yun sa akin. Na-surprise rin ako."

Dahil sa pagdi-dive, naging hobby na rin ni Jennylyn ang underwater photography.

"Yung mga alam kong hindi ko kayang gawin, nagagawa ko," sabi niya. "Napo-prove niya sa akin na kaya mong gawin 'yan.

No comments:

Post a Comment