Monday, October 22, 2012

Jeric Gonzales and Thea Tolentino declared winners of Protege

Sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang itinanghal na winners sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Sila ang nakakuha ng pinakamataas na pinagsamang boto ng viewers at ng judges na sina Joey de Leon, Bert de Leon, Annette Gozon-Abrogar, at Cherie Gil.

Ginanap ang results night ng second season ng Protégé sa Studio 7 ng GMA Network ngayong gabi, October 21.

Sina Jeric at Thea ay parehong mula sa Calamba City, Laguna.

Kapwa sila nag-audition sa Southern Luzon leg ng Protégé kung saan ang actress-director na si Gina Alajar ang naging mentor nila.

Pero dahil sa isang twist sa competition ay kinailangang bitawan ni Gina si Jeric kaya napunta ito sa bago nitong mentor na si Jolina Magdangal.

Tinalo ni Jeric ang kapwa niya finalists na sina Mikoy Morales at Ruru Madrid; samantalang si Thea naman ay tinalo sina Zandra Summer at Elle Ramirez.

Si Jeric din ang hinirang na Texters’ Choice.

Bilang winners ng Protégé, sina Jeric at Thea ay parehong makakatanggap ng P1 million pesos, 2-bedroom condo unit, at five-year exclusive management contract mula sa GMA Artist Center.

Makakasama rin sina Jeric at Thea sa bubuksang youth-oriented show ng GMA-7, ang T.G.I.S.

Bilang mentors ng mga nanalo, sina Gina at Jolina naman ay makakatanggap ng P500,000 each.


THE FINAL CHALLENGE. Sa huling bahagi ng kanilang challenge ay isinalang ang Top 6 sa aktuwal na taping ng mga teleserye ng GMA-7 kunsaan naka-eksena nila ang mga Kapuso stars.

Si Jeric ay isnama sa primetime series na Coffee Prince kunsaan nakaeksena niya si Kris Bernal. Gumanap siya bilang Errol na orihinal na ginagampanan ni Benjamin Alves.

Si Thea naman ay nakaeksena si Heart Evangelista para sa isang eksena sa Luna Blanca. Gumanap siya bilang Luna na ginagampanan talaga ni Bianca King.

Si Zandra ay gumanap bilang si Bela Padilla sa Magdalena kunsaan nakaeksena niya si Ryan Eigenmann.

Si Mikoy ay gumanap bilang si Mikael Daez sa Sana Ay Ikaw Na Nga at nakaeksena naman niya ang lead star nito na si Andrea Torres.

Si Ruru ay gumanap bilang si Derrick Monasterio sa ipalalabas pa lang na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa at nakaeksena niya ang bidang si Barbie Forteza.

Si Elle naman ay gumanap sa papel ni LJ Reyes sa Aso Ni San Roque.


Noong nakaraang linggo naman ay mismong ang mga judges ang nagbigay ng challange sa Top 6 kunsaan sina Jeric at Elle ang umangat nang gusto.

Ang hosts ng Protégé ay sina Dingdong Dantes, Carla Abellana, Maxene Magalona, at Jennylyn Mercado.

Sinamahan si Dingdong kanina ng kanyang kasintahan na si Marian Rivera.

No comments:

Post a Comment