Tuesday, October 23, 2012

Julie Anne San Jose, gustong mag-audition para sa Miss Saigon

Pinag-iisipan ng Kapuso tween actress na si Julie Anne San Jose kung itutuloy niya ang planong mag-audition para sa isang papel sa nagbabalik na award winning musical show na Miss Saigon na ipalalabas sa West End.

"Pinagdadasal ko rin talaga kay Lord na sana bigyan niya ako ng strength na makapag-decide kung itutuloy ko ba talaga ‘yung pag-auditions ko," saad ni Julie Anne sa ulat in Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Lunes.

Magkakaroon ng auditions sa Pilipinas ngayong Nobyembre 19 hanggang 27.

Ang singer-actress na si Lea Salonga ang orihinal na gumanap na Kim sa nasabing palabas. Ito rin ang kanyang papel nang tumanggap siya ng Tony award bilang Best Actress.

Maliban sa kanya, kabilang din ang world class Filipino singers na sina Jaimie Rivera at Monique Wilson sa mga gumanap na Kim sa West End at Broadway show.

Ikinatuwa naman ni Lea ang nakatakdang audition ng Miss Saigon sa bansa.

Aniya, "We were saying that there is going to be a new production of Miss Saigon that will be revived in the United Kingdom in 2013. What I didn't know is that there would be auditions in Manila for this new production so that makes me incredibly, incredibly happy that they are coming back."

Pati rin si Rivera, nagagalak sa paghanga ng mga producer ng show sa talentong ipinapamalas ng mga Filipino.

Wika niya, "Hanga sila. Kaya nga hindi na nga sila lumilibot sa iba't-ibang lugar. Pag sinabing Miss Saigon, dito na kaagad [sa Pilipinas], so dapat mapatunayan natin sa kanila na 'Oo naman. Dito lang kayo, 'wag na kayong lumayo!'"

"We have all the talents. We could supply you with all the talents because Filipinos are really talented," dagdag pa ni Jamie.

Gayunpaman, nagbigay rin ng payo si Lea para sa mga nagnanais sumabak sa Miss Saigon.

Wika nito, "Just have a good time, enjoy yourselves, don't get too nervous, stay on pitch and you know whatever happens, happens.

No comments:

Post a Comment