Thursday, October 11, 2012

Luis walang katapusan ang pagtatanggol kay Jennylyn Mercado

May bulung-bulungan ngayon na nagkakalabuan na raw ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Kamakailan ay naugnay ang pangalan ni Jennylyn sa hiwalayan daw nina Paolo Contis at Lian Paz kaya nagkaroon ng isyu na hiwalay na rin sina Luis at Jennylyn. “Hindi, baka ‘yung nagkakalat ng isyu ang nagkakalabuan sa dyowa nila. Kasi parang sa amin nilalagay ‘yung problema nila eh. So baka gumagawa ng issue, sila ang namomroblema sa kani-kanilang buhay,” pahayag ni Luis.

Nagbigay rin ng reaksiyon ang binata tungkol sa mga nagsasabing hindi magtatagal ang relasyon nila ni Jennylyn. “It’s ill-advised na magkaroon ng ganung prediction. Some relationships are meant to last, some are not. 50-50 lang ‘yan eh parang kapag sinabing uulan, kung weather nga ang hirap ma-predict. So it’s either magtatagal kayo or hindi. ‘Yun lang naman ‘yun eh,” paliwanag ng aktor.

Ayon pa sa binata ay masayang-masaya sila ni Jennylyn sa kanilang relasyon. “The fact na hindi kami nagpapaapekto. Mas naaapektuhan pa ‘yung gumagawa ng issue. Siguro nainis na hindi kami mabuwag. Walang kaproble-problema at all,” giit ni Luis.

No comments:

Post a Comment