In the past ay iniwasan ni Maja Salvador na pag-usapan ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Matteo Guidicelli. Pero sa The Buzz kahapon ay bahagyang nagsalita ang aktres sa kung ano ba ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Matteo. Sa tanong ni Boy Abunda kung amicable ba sila ng kanyang ex-boyfriend, ang tugon ni Maja, “We’re civil.”
Ang dahilan umano ng kanilang paghihiwalay ay ang sobra-sobra nilang pagmamahal sa isa’t isa. “Siguro parehas dati na sobra ang pagmamahalan. Siyempre kailangan naming mag-focus kung ano’ng gusto namin sa aming mga buhay,” paliwanag ng aktres.
Natalakay rin ang mga aktor na naging leading men niya na na-link sa kanya, kagaya nina John Prats at Sam Milby. Nagkatambal sina Maja at John sa It Might Be You. “Crush ko po ‘yan talaga. 'Di pa ako artista fan ako ng John-Heart (Evangelista) love-team,” pangungumpisal ng aktres. “Sobrang gulat na gulat po ako. After (ni) Heart ako ang ipinalit na love-team so iba ‘yung kasiyahan ko, pero parang malungkot din ako kasi wala na na ‘yung John and Heart love-team. Pero masaya kasi nakatrabaho ko ang crush ko.” Inamin din niya na dumating sila sa ligawan stage pero hindi iyon nauwi sa relasyon.
Nakatrabaho naman ni Maja si Sam sa afternoon teleserye na Impostor. Lately ay na-link sa kanya si Sam pero ipinaliwanag ni Maja na iniisyu sila dahil nakasama niyang manood sa isang concert si Sam pero wala raw katotohanan na niligawan siya ng aktor. “Di dahil nagti-text kailangang lagyan ng meaning. Iba pa rin pag nage-effort ka nang personal,” paliwanag ni Maja.
Ngayon naman ay makakatrabaho ni Maja ang kanyang kaibigan na si Enchong Dee sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak na magsisimula na ngayong October 8. Kasama nila rito sina Kim Chiu at Xian Lim. Aniya tungkol kay Enchong, “Dati sinasabi niya na gusto din niya akong makatrabaho. Ako gusto ko rin siya makatrabaho.” Kaya naman dream-come-true para sa kanila na makatrabaho ang isa’t isa.

No comments:
Post a Comment