Thursday, October 11, 2012

Marian Rivera at Richard Tuloy na ang Pelikula

May clamor ang viewers na i-guest sa Extra Challenge sina Dingdong Dantes at Sarah Lahbati, ang boyfriend at girlfriend ng hosts na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera respectively. “Why not? Kahit sino ang kunin ng GMA News & Public Affairs, okey sa akin, host lang ako, sila ang magde-decide,” sagot ni Marian.

Si Richard, tumingala muna bago sumagot ng “No problem! Kung okey sa kanila ang mag-guest, lalong okey sa amin.” Naiparating na ito sa staff at may tsansa ngang magsama-sama ang apat sa isang episode.

Sa pilot episode, apat na Kapuso stars ang tumanggap ng hamon sa nakakatakot at nakakalulang challenge na mapapanood na sa October 27, 5:30pm., at Oct. 28, 8:30pm.

Twice nag-guest sa original Extra Challenge si Richard bago magsara noong 2006.

Tuloy na rin ang balik-tambalan nina Richard at Marian sa pelikula at open din ang aktor na pagtambalin sila sa soap ng GMA 7 na ‘di pa nila nagagawa.

No comments:

Post a Comment