Wednesday, October 3, 2012

Marian Rivera binubuyong awayin si Isabelle

Hindi naman kaya si Isabelle Daza ang sunod na awayin ni Marian Rivera dahil pilit na inili-link ito sa kanyang nobyong si Dingdong Dantes?

Pero mukhang mabibigo ang lahat na makakita ng bayolenteng reaksiyon mula sa Prinsesa ng Primetime ng GMA dahil suntok sa buwan ang isyu. Walang basehan dahil wala namang pinagsasamahang trabaho ang dalawa na kailangang paingayin. Hindi sila magkapareha, hindi rin barkada na puwedeng magkasama sa mga lakaran. Kapwa lang sila Kapuso artists, na madalas magkita dahil iisa ang kanilang place of work at maaaring magkasama sa mga promo event ng network pero maliban dito they go their separate ways. Kaya kayong mga intrigero, tantanan n’yo na sila, bago pa mapilitang maniwala ni Marian at awayin ang anak ng dating Miss U (Gloria Diaz).


No comments:

Post a Comment