Friday, October 19, 2012

Mga Fans ni Kim Chiu at Gerald patuloy ang paninira

Ano ba talaga ang gusto ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu, collectively o individually? Wala yatang nakapareha ang mga idolo nila na ginugusto nila. Pati yata ang pribadong buhay pag-ibig ng dalawa ay gusto nilang kontrolin? Eh fans lang sila ’di ba? Ang trabaho nila ay sumuporta lang at idolohin ang kanilang mga hinahangaang artista. Walang iba!

Naghuhumiyaw na naman ang hate mails nila, tumututol sa gagawing pakikipagtambal ni Gerald kay Cristine Reyes. At sa pagli-link dito kay Shaina Magdayao. Galit sila, lalo na sa Kapamilya Network, na parang may magagawa sila sa mga ginagawang desisyon nito sa kanilang artists lalo na kina Gerald at Kim.

Hay naku, kailan matatanggap ng mga tagahanga na kailangang magkaroon ng iba-ibang kapareha ang mga idolo nila for the growth of their career. Hindi na advisable ’yung isa lamang ang maging kapareha nila dahil madaling magsawa ang mga manonood ngayon. Naghahanap sila palagi ng bago.

Kung hindi ito matatanggap ng fans nina Gerald at Kim. They have no bu­siness being fans. Kailangan nilang maging producer para magawa ang mga gusto nila.

No comments:

Post a Comment