Monday, October 1, 2012

Daniel Padilla maganda ang resulta sa panliligaw kay Kathryn Bernardo

Sa ikatlo at huling segment ng panayam ng Hotshowbiz Talk kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay sinagot na ng young actor ang tanong kung paano siya manligaw.

Daniel: “Simple lang. Kung old school na ligaw, ganun po ako.”

: Ano ang ibig niyang sabihin sa “old school”? Love letters... uso pa ba?

Daniel: “Hindi po ako maganda magsulat kaya hindi ko po ‘yon ginawa.”

: Nagpapadala ka ba ng mga bulaklak?

Daniel: “Hindi po nagpapadala, ako po ang nagdadala. At ano po… ‘yan, ako po ang nagdadala, ganyan, tapos talagang inaasikaso. Alam n’yo naman po ‘yang mga ganyan kaya next question, pelase…”


: May nagturo ba sa ‘yo ng ganyang strategy ng panliligaw?


Daniel: “A… ano po, palabas! Yung mga luma, ganyan. Yung ano po… hindi naman itinuturo yun, e. Talagang malalaman mo na habang pagtanda mo, e."


: Kumusta naman, Kat, umeepekto ba?

Kathryn: “Umeepekto naman. Kasi, nakita naman yung effort niya. So pag naman babae, pag may nanliligaw sa ‘yo, parang, ‘Wow, may nakaka-appreciate pala sa akin!’ So, ‘yon po.”


DANIEL’S SINGING CAREER. Pagkatapos nito ay napadako naman ang usapan sa singing career ni Daniel.

: Daniel, bago ka pumasok sa showbiz, Parking 5 yung banda mo. Siyempre banda, cool, ang daming babae… paano mo hina-handle ‘yon?

Daniel: “Bahala na po ang mga kabanda ko do’n. Sila na po ang bahala sa mga babaeng ‘yan. Basta ako pagkatapos, uuwi na ako!” (laughs)

: Ang daming kinikilig sa pagkanta mo, e—“Hinahanap-hanap Kita,” “Prinsesa…” Yung hagod ng pagkanta mo, sino ang influence mo?

Daniel: "Wala naman po akong balak kumanta talaga, e. Bigla lang po akong napakanta sa GGV [Gandang Gabi Vice] tapos ‘eto na po ngayon, e, yung nangyayari.”

: Ganun lang, bigla na lang pumutok na ganun?

Daniel: “Opo.”

No comments:

Post a Comment