Tuesday, October 9, 2012

Xian Hindi Pinapansin si Kim Chiu pah wala sa Mood

Mas malalim na raw ngayon ang pagkakaibigan nina Kim Chiu at Xian Lim mula noong una silang nagkakilala at nagkasama sa trabaho.

“Nag-evolve from friends to special friends. Si­yempre nakilala namin ang isa’t isa, mas comfor­table, mas okay na kami magkatrabaho. Hindi katulad ng dati na naiilang kami,” bungad ni Xian.

“Nakikilala ko lalo si Xian at ngayon kilala ko na ’yung ugali niya, kapag wala siya sa mood, tahimik lang siya ’tapos doon lang siya sa sulok. Moody kasi siya at kind of sensitive,” sagot naman ni Kim.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Xian at Kim nga­yon?

“Sa tagal din naming magkatrabaho, nakikita ko rin sa kanya na mahal niya sobra ang trabaho niya, at ayaw niya ng anything to get in the way. Sabi nga niya sa interviews niya mako-complicate ang lahat kapag bibilisan or mamadaliin. We don’t put a label. Walang label. Walang puwedeng sabihin getting the real score.

“Hindi naman kasi maganda ’yun eh. Maganda ’yung masaya lang kayo sa buhay. Ine-enjoy n’yo everyday,” nakangiting sagot ni Xian.

“Ang maganda naman kay Xian, understanding siyang tao. Ang nakikita ko naman sa kanya, ang sincerity niya. Sana hindi siya mapagod or hindi lang siya for ngayon lang ito,” makahulugang sagot naman ni Kim.

Bea ayaw munang mag-claim ng box office queen

Malakas ang bulung-bulungan na posibleng sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo raw ang tangha­ling Box-Office King at Queen para sa pelikula ng taong ito dahil patok na patok talaga sa takilya ang The Mistress.

“Sana I’m wishing na magkatotoo ’yan pero it’s to early to tell eh kasi hindi pa tapos ang taon, mga tatlong buwan pa, so, sana. Gusto ko sanang mangyari. I wish pero mahirap i-claim ’yan right now,” pagtatapat ni Bea.

Kahit ilang beses nang nagkamit si John Lloyd ng nasabing parangal ay hindi naman siya nakatitiyak na muli siyang makakasungkit nito.

“Let’s just wait and see. Mahaba pa ang itatakbo ng taon. May ilang buwan pa, marami pang oras. Saka iba na ang ruling eh. So, parang ’di ko alam nga­yon. matindi ang kompetisyon,” pahayag naman ni John Lloyd.

Masaya ang aktor na tumabo ng husto sa takilya ang reunion movie nila ni Bea. “Buhay na buhay ang market, buhay na buhay ang industriya. ’Yun lang okay na ako roon,” giit ng binata.

Samantala, masayang-masaya rin ang dalawa ngayon sa kanya-kanyang buhay pag-ibig. Magda-dalawang taon na ngayon ang relasyon nina Bea at Zanjoe Marudo habang ilang buwan pa lamang na magkarelasyon sina John Lloyd at Angelica Panganiban.

No comments:

Post a Comment