Thursday, November 22, 2012

Erich Gonzales, engaged na

Hindi matatawaran ang ngiti sa labi ng aktres na si Erich Gonzales nang sabihin ni Queen of All Media Kris Aquino na engaged na siya.

Sa guesting nito sa "KrisTV," nabanggit ni Kris na engaged na nga si  Erich matapos magbiro ng guest-co-host ni Kris na si Melai Cantiveros na pwede nang mag-asawa ang dalaga.

"Eh may engagement ring na nga eh," ani Kris.

Hindi man kinumpirma o itinanggi ni Erich na engaged na siya ay proud naman itong nagbahagi ng kanyang buhay pag-ibig.

Aniya, nakilala niya ang kanyang nobyo dalawang taon na ang nakakaraan at nakatanggap siya ng diamond ring mula dito noong nakaraang taon lang.

"I'm so happy and inspired.... I love him every minute, every hour, every second," ani  Erich na idinagdag na swerte din siya sa kanyang nobyo.

"More than a year (na kami). I met him  two years ago and then we started as friends and then, 'yun.  Last year niya binigay," ani Erich.

Pag-amin ni Erich, hindi naging madali sa kanya ang ipagkatiwala ang kanyang puso pero nagpapasalamat siya na dumating ang kanyang mahal sa tamang panahon.

"Thankful lang ako na dumating siya kung kailan ready na talaga ako. I'm my happiest now because of him and he allows me to be," ani Erich.

No comments:

Post a Comment